Free lesson in songwriting

Dear Friends

Mas marami pa yata ang nakinig dun sa mp3 na “Gary Granada vs GMA Kapuso” kaysa lahat ng taong bumili ng kanta ko sa buong 30 years ko sa music industry hehe. Kaya bilang pasasalamat sa inyong suporta, gumawa ako ng dalawa pang karugtong nun, at para na rin mas liwanagin kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Songwriting 102: Tungkol sa Isang Salita 4:38
Songwriting 103: Tungkol sa Isang Linya 5:51

As you listen to these recordings, please bear in mind that GMA Network insists that the only thing I can claim I (and I alone) did was change one word. Pinalitan lang yung salitang “pagpupursige” ng “pagpupunyagi”.

Maiikli lang ang mga ito kaya tiyagain nyo nang pakinggan. Palagay ko rin makakatulong ang mga ito sa mga gustong matutong mag compose. Magandang learning aid din siguro sa mga klase sa literature, creative writing, music and even arithmetic. Wala rin po sigurong subject na ganito sa law school, kaya I dedicate these recordings to all my lawyer friends.

Enjoy!
(at pakipasa na rin pag nag-enjoy nga kayo)

Gary Granada

Songwriting 102
Tungkol sa Isang Salita

Ako po uli ito, Gary Granada po. Doon sa aking unang audiocast na ginawa (ngayon ko lang nalaman na audiocast pala ang tawag dun), marami pong nagpasalamat sa quick 2-minute music education. Walang anuman po, naka isang semester na po kayo.

Eto na po yung pang 2nd sem. Madalas po akong tinatanong, alin po ba ang nauuna, yung music o yung lyrics? At ang simple na sagot ay pwedeng music, pwedeng lyrics, pwedeng sabay. Pero pag nabuo na yung composition, hindi mo na basta-basta ma “unbundle” yung lyrics labas sa music. Para po yang mga anak natin, lagi natin sinasabing ilong ni papa yan, mata ni mama. o tenga ng kapitbahay hehe. Pero hindi yun ganun ka simple biologically.

Na gaya ng sinasabi ng lawyer ng GMA. Ang expert legal opinion kasi ni Atty Dick Perez na nakalagay sa statement ng GMA na nilabas sa Inquirer ay “lyrics completed by GMA Marketing” and that “one word from Mr. Granada does not make the piece his own”. Marami na pong nag-analyze nun, at may nagsabi pa nga na more that a dozen edits yun ah! Ah basta, para sa abogado one word lang lahat yun.

In any case, dito sa Songwriting 102, bigyang diin ko lang ang significance ng one word sa isang komposisyon. At mayron nga akong isang word na binago, na hindi nabanggit ni Atty Dick Perez sa sulat niya sa FILSCAP. Siguro hindi nasabi sa kanya ng mga taga GMA Marketing, or inangkin na rin nila na kanilang collective effort. At yung word na yun ay “edukasyon”. Ginawa kong “pag-aaral”.

And the question is, significant ba yun? Pinalitan mo lang ang “edukasyon” ng “pag-aaral”, big deal. E kung tutuusin, pareho pa ngang apat na syllables, edukasyon, pag-aaral. Mas ok nga yung edukasyon kasi ang title ng plug e “3pid Handog Edukasyon”, di ba? Crucial ba na gawin kong pag-aaral ang edukasyon? Yes or no?

Okay. Kakantahin ko ngayon yung parte na yun, at gagamitin ko yung melody na nilabas nila sa TV para hindi masabi na ako ay bias dun sa aking tune. Okay.. Sa tulong mo, pag-aaral ko magagampan.. Okay?

E kung hindi natin pinalitan, ano kaya? Sa tulong mo, edukasyon ko magagampanan.. Ganda ba? Baka pangit lang yung pagkakanta ko, gawin nating flowing, Sa tulong mo edukasyon ko.., hindi rin e. Subukan nating iwasto ang bigkas, Sa tulong mo, edukasyon ko.. Habulin natin sa kabila, Sa tulong mo, edukasyon ko.., hindi rin e. Gawin kaya nating reggae, Sa tulong mo, edukasyon ko.., hindi e. Gawin nating jazzwaltz, Sa tulong mo, dukasyon ko magagampan chu du du du du chu.., hindi nadadaan sa packaging e. Tango, Sa tulong mo, edukasyon ko.., hindi talaga e.

Kaya rin nga nasabi ko, balintungin mo man yang utak mo ng milyung beses, kung wala kang idea kung paano ang music, hindi mo ma-compose yun nang ganun. And that is why hindi ko sinabing ang trabaho ko ay gawan ng melody yung lyrics mo, kundi “to set it to music” – gawing musical yung lyrics mo.

At may bonus tip pa ako sa inyo, sa literature may principle ng redundance, meaning pag inuulit mo yung gamit ng salita, malimit nakakaumay bukod sa aesthetically and intellectually unimpressive. Kaya nung pinalitan mo ng “pag-aaral” yung “edukasyon” may added value ka pa ngayon ng fresh idiom.

And that one word alone could make all the difference in the world between a 3pid song and a 2pid song.

Thank you again for your time and see you again next sem.

Songwriting 103
Tungkol sa Isang Linya

Eto na po yung 3rd semester natin sa Songwriting, Gary Granada po uli. May good news nga pala ako sa inyo, may solusyon pala yung gamit ng “edukasyon” na hindi na dapat palitan ng “pag-aaral”. At yun ay kung gawin nating tag-lish yung kanta. Ganito, Sa tulong mo, education ko.., perfect di ba?

Kung doon sa Songwriting 102 binigyang-diin natin ang halaga ng isang salita, dito sa Songwriting 103, talakayin naman natin yung halaga ng isang linya. Dun sa sulat uli ng GMA Network sa FILSCAP, bukod sa nagsinungaling sila na isang salita lang ang aking pinalitan, may daya pa yung bilangan, and I quote:

“..deletion of the word “aking” from the lines kaya kong isulat ang aking mga pangarap” and “kaya kong iguhit ang aking kinabukasan.” (The word “kinabukasan” was also replaced with “bukas”),”

At ang bilang ng GMA Network doon sa changes na yun ay isang change. Parang dagdag-bawas ano? May kilala rin akong isa pang GMA na ganun din ang ugali.

In any case, I want to share with you what it takes to edit one single line of a song. And we will use the very first line of the 3pid jingle. Ang draft ay, Kung may lapis, kaya kong isulat ang aking mga pangarap.

Consideration #1. Space. Masyadong masiksik, kaya yung musical construction na Kung may lapis, kaya kong isulat ang aking mga pangarap ay masikip for a 60-seconder. So, yung unang recorded study ay kailangang i-modify.

Consideration #2. Melody. Bukod sa tamang luwag lang, dapat affective o emotionally engaging, at may tinatawag na “recall” factor. Kaya nga ayaw ko yung nilabas nila sa TV kasi ganito, Ta-da-da-da, ta-da-da-da-da-da, da-da-da-da. At pwera yabang, mas gusto ko naman yung ginawa ko na ganito, Ta-da-da-da, ta-da-da-da-da-da, da-da-da-da. Yung hagod nung Ta-da-da-da-da-da, yun yung nag-e-enhance ng affectiveness. At yung last four notes ay actually bumalik sa first four notes, Ta-da-da-da, ta-da-da-da-da-da, da-da-da-da, and establishes recall.

Consideration #3. Syntax. Pwede kayang tanggalin yang “ang”? Kaya kong isulat aking pangarap.. awkward, bukod sa mahaba pa rin. E yung “ang” at “mga”, Kaya kong isulat aking pangarap, barok! E kung gawing Kayang isulat ang aking pangarap, asiwa pa rin. At sa dami ng possibilities, syntax pa lang, mangangamote ka na minsan.

And Consideration #4. Metaphore. Take note, ang sinabi lang ni Atty Perez na senior vice president at head ng legal department ng GMA Network, as far as the first line is concerned, ay tinanggal lang naman yung salitang “aking”. To be legally precise, ang natanggal actually ay ang mga salitang “aking mga”. Again, does it matter at all? Obviously, kung “aking” lang ang tinanggal mo, then you have to rush your singing due to the extra two syllables of the article “mga”.

But aside from that, herein lies the nuance and sophistication of metaphores. By taking out “aking”, you transcend the smallness of petty individualism, but without losing personality because you still retained “kaya kong”. And by removing the plurality “mga” which implies many little shallow things, you actually broadened the picture with a more universal larger-than-life singular idea of “pangarap”. And so from Kaya kong isulat ang aking mga pangarap, nagiging Kaya kong isulat ang pangarap. You are no longer saying, “With a pencil, I can enumerate my many hopes.” But rather, “With a pencil, I have hope!”

As any literature teacher will tell you, marami pa pong considerations that come into play aside from the four I’ve listed: tulad ng rhythm, cadence, rhyme, meter, imagery at kung anu-ano pa. Ganyan po kameticuluso ang pagsaayos ng kahit isang munting linya ng isang kanta.

Actually, sabi ng isa kong kaibigan, kahit nga wala pang isang linya, kahit na nga wala pang isang salita. Kahit isang tuldik lang, o isang comma, ay mahalaga. Halimbawa, surgeon kayo at ang designation nyo ay “Dr. Dick, comma, Head of Surgery”. O, isipin nyo kung
wala yung comma.

See you next sem~~

AUDIO CAST (songwriting)

A Songwriting Lesson by Gary Granada

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s