#01 Kalikasan

Introduction to Hierarchism Part One:
Hierarchic Selection The Evolution of Social Substructures

#01 Kalikasan

Ecology Biology 1

Hmm.. Kamusta po kayo. Medyo mahaba-habang kwentuhan ito. 12 sessions tayo, pero maiikli lang naman. So, ready na? Okee!

Isa sa pinakapaboritong tanong ng Philosophy ay What makes us human? Naks! Ang bigat agad! Aabot din tayo diyan eventually, pero sa ngayon, dun muna tayo sa mas simpleng approach. Tayo ay humans kasi ang tawag ng mga biologists sa ating genus ay homo. Ibig sabihin ay tao sa Latin. So, sa ayaw nyo’t aminin, tayong lahat ay homo, humans.

Ang tawag naman sa ating species ay homo sapiens. Ang sapiens naman ay ibig sabihin matalino, so, matalinong tao. Ngayon, hindi na tuloy natin alam kung lahat nga tayo ay homo sapiens.

And to add insult to injury, mayron pa silang tinatawag na subspecies na homo sapiens sapiens, to distinguish between recent humans and modern humans. Tayo yung mga modern humans, yung mga mahilig sa mp3, mag chat, mag text at nabuhay nitong nakaraang 100 thousand years or so.

Bakit nga ba may mga species species pa? Para malaman mo kung compatible kayo ng crush mo. Kasi ang ibig sabihin ng magka-species ay posible kayong magka apo. Halimbawa, kung ang asawa mo ay unggoy, baka pwede kayong magkaanak. Pero dahil magkaibang species kayo, hindi magkakaanak ang inyong anak. Mabuti na rin yun, di ba?

Ano ang point? Ibig sabihin, contest ito ng paramihan at patibayan. Habang marami kayo, mas tatagal ang species nyo. Halimbawang magkulang at magkakaagawan ng pagkain o lugar na matitirhan, o magkabaha o bagyo o lindol, matira ang marami at matibay.

If you still remember, in high school we learned that because of mutation and gene flow, new species emerge every so often. And through natural selection and random genetic drift, the fit and the lucky survive, at ang mga marurupok ay nauubos o nae-extinct.

Ngayon, okay lang ba ito? Mabuti ba o masama na maubos ang mga species? Depende kung sino tatanungin mo. Kung ikaw ang mae-extinct, masama yun!

At ito ang unang tunggalian. Ang labanan ng species ng tao at ng hindi tao. Ito ang unang hierarchy. At ang tawag ng dictionary dito ay anthropocentrism. Anthropos tao, centrism centro. Naka sentro sa tao. Pangunahin ang tao. Higit sa lahat, tao.

Mababa ang tingin ng tao sa hindi tao. Hayup ka! sabi nga ng iba pag nagagalit. O di kaya, pag may na comatose, sasabihin naman Naku kawawa naman, gulay na. Mataas ang tao, mababa ang halaman o hayop na hindi tao.

At dahil sa sobrang nakasentro sa tao, nagkanda leche leche ang ating environment. Dahil alang-alang sa kaligayahan ng tao, tinitibag ang lupa, nilalason ang dagat, pino-pollute ang hangin. Very ironic kasi actually nasa interes ng tao na pangalagaan ang kalikasan, dahil ito ang kanyang habitat o tahanan.

Nakita naman natin ang malubhang mga kalamidad dulot ng mga pinsala na kagagawan din ng tao. Halimbawa yung ganid na pagtotroso sa Quezon. Pero sa kasamaang palad, ayaw aminin ng tao na siya ang may kagagawan.

Ang sabi ng mga tagaroon, kasalanan ng mga logging companies. Ang sabi ng mga logging companies, kasalanan ng mga tagaroon, mga residente mismo na putol nang putol kahit walang permit. Ang sabi naman ng iba, kasalanan ng mga NPA, na sa halip sana na pigilan ay pinapatawan ng revolutionary tax. Ang sabi ng civil society kasalanan ng gobyerno na bigay nang bigay ng permit sa mga concessionaires kapalit ng maraming perang ibinubulsa ng mga taga DENR. At ang sabi ng DENR, kasalanan ng bagyo. Kaya awa ni kristo, natapos ang kwento na walang naaresto.

Mahalaga ang kalikasan, dahil nakasalalay ang kalagayan ng tao sa kalagayan ng kanyang kapaligiran. Obvious ba? Sabi nga ng mga matatanda, simpol aritmitik! Negating the consequent implies negating the antecedent. If p implies q, then by contraposition, not q implies not p; where p is endemic in q, meaning that p is a subset of q, and that for any n that is not a subset of q, p is not a subset of n. Ano?! Ano’ng pinagsasabi mo?! Ang ibig lang sabihin nun, dahil hindi mabubuhay ang tao nang wala ang kalikasan, pag sinisira ng tao ang kalikasan, sinisira ng tao ang tao.

Yung iba naman, para sa kanila, ang kalikasan ay nilikha na may dangal. Integrity of Creation ang sabi nga ng mga religious. Now, the word creation presumes na may Creator. Kaya para sa mga taong naniniwala na may Diyos na lumikha ng buong sansinukob, bahagi ng pagpupugay, pagpapasalamat at pagtalima sa kanilang Diyos ay ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kanyang nilikha.

On the other hand, mayron ding iba na hindi naniniwala na may Diyos pero pinanghahawakan nila na bukod sa human being, ang lahat ng beings ay may inherent o katutubong integridad at ganda. Bakit, maganda ba ang ipis? Tanong natin sa nanay ng ipis.

Ang tawag ng mga deep ecologists diyan ay Ecosophy or the philosophy of ecology. Wala pa yata yan sa dictionary. Pero in a gist, ang sinasabi ay, maliban sa tao, ang iba pang beings, whether ‘living’ or ‘non-living’, bulaklak, bulate, bayawak, butete, bato, batis, bundok, bulkan, isama mo na pati bukangliwayway at bagong buwan, ay may innate value o likas na kabuluhan, in their own right, and in relation to other beings. At itong intrinsic and inalienable integrity of all beings na ito, does not have to be derived from a Supreme Being or God or Creator.

At kahit naman sa hanay ng mga materialists, di man naniniwala na may Diyos, ay itinuturing ng marami na sagrado ang kalikasan.

So, ke ginagawa mo ito kasi gusto mo pang mabuhay, o kaya naman nagsusumikap kang isabuhay ang kalooban ng Diyos, o para itaguyod ang likas na halaga at ganda ng kalikasan, may Diyos man o wala para sa iyo, maari pa rin nating pagkaisahan ang ating unang mensahe:

Dahil totoong
Mahalaga ang kalikasan,
ang ating sadya ay
Pangalagaan ang kalikasan.
Ngunit kung ang nangyayari ay
Sinisira ng tao ang kalikasan,
ang ating badya ay
Pigilan ang pagsira sa kalikasan.

Salamat po sa inyong matiyagang pakikinig. ~~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s