Bata sa kalsada

BATA SA KALSADA
– Ang mga bata sa kalsada ay naging karaniwang tanawin na sa ating bayan. Sangkap na sila ng isang pampublikong daanan ng mga sasakyan. Dito sila ay naglalaro, ang iba naghahanap buhay, nanglilimos, yung iba natutong magsugal, gumamit ng pinagbabawal na gamot at ang masakit mayroong mga bata na natutong magnakaw. Dahil sa mura nilang idad nagkaroon ako ng pangamba sa mga batang ito. Nanganganib ang buhay nila sa kalsada, pwede silang masagi o masagasaan ng mga mabibilis na sasakyan. Dapat sana ay nasa tahanan o paaralan o palaruan at hindi sa mga daanan.
“Inaalay ko ang awitin na ito sa mga batang kalye”

Madalas kong matanaw mga bata sa kalsada
Sila’y pakalat kalat at duon na tumitira
Akala ko sila ang pag-asa ng bayan kong sinilangan
Sabi ng ating bayani na si Rizal

Tingnan mo naman ang mga bata sa lansangan
Tangan nila’y kemikal, lason sa isipan
Aklat dapat ang hawak at lapis na pangsulat
Sa paaralan hubugin at dunong ay imulat

Pakinggan niyo mga bata sa kanilang mga salita
Sa mga magulang at tumangging lipunan
Sila man ay may karapatan sa ating inang bayan
Dapat sila’y pangalagaan at hindi pabayaan

Sa ati’y kumakatok sa bintana ng sasakyan
Naghihintay ng pag-asa at hindi limos ng awa
Gumising na mga kasama tulungan ang mga bata
Huwag nating pahintulutan na sila’y masagasaan

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-9 ng Hulyo taong 1998
alas 4:00 ng hapon
sa aking silid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s