Emanuel

EMANNUEL

Tulad ka ng anak ng Maylalang
Biktima ng kasakiman at kalupitan
Sinugatan na tagos sa iyong laman
At di maintindihan sinapit na karahasan

Mukha mong walang kamuwang muwang
Nadamay sa labanan ng mapanglamang
Ikaw ang pumapasan ng kanilang kahangalan
Dinaan sa dahas ang iyong kahinaan

KORO

Emanuel, emanuel, emanuel, emanuel
Tugon mo sa kanila, luha sa mata
Emanuel, emanuel, emanuel, emanuel
Pinutol ang pag-asa, kasama iyong ama

Paano ka maglalakad sa iyong pangarap
Malinaw bang natatanaw ang hinaharap
Puso mo’y binabalot ng mga pangamba
Isip ay inukitan, hapdi ng alaala

KORO

Emanuel, emanuel, emanuel, emanuel
Sino ang may gawa, tila walang awa
Emanuel, emanuel, emanuel, emanuel
Hanap ay hustisya, na hindi mo makita
Emanuel, emanuel, emanuel, emanuel

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-16 ng Enero taong 2001
alas 11:46 ng gabi
sa aking silid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s