pagkakataong di dapat sayangin

pagkakataong di dapat sayangin

maraming mga taong sinasayang nila ang pagkakataon tingnan ang kagandahan ng ating paligid, hindi habang panahon ay mananatili rito yan, maaring mawala ito sa likas na pamamaraan gawa ng rin kalikasan o kaya gawa ng mga mapinsalang mga nilalang, lahat ng mga bagay ay walang kasiguruhan ang kapanatilihan sa mundo. Kahit ang mga bato ay nadudurog sa haba at tagal ng panahon. Huwag sana nating isaalang alang ang mga pagkakataong hawak na natin, upang sa huli ay hindi natin ito ganap na pagsisihan.

panahong binuhos para magkakilala
pagkakataong di dapat sayangin

araw na nilaan upang dakilain ng sabay ang Maylikha
pagkakataong di dapat sayangin

oras na inukol tuwing kailangan ng makakapitan
pagkakataong di dapat sayangin

pagakay at ituro ang daan tuwing napaparam
pagkakataong di dapat sayangin

mga bumabagabag sa dibdib sa luha ito’y pinagsaluhan
pagkakataong di dapat sayangin

naiibsan ang lungkot tuwing napagmamasdan
pagkakataong di dapat sayangin

sa kasalanang nagawa humihingi ng kapatawaran
pagkakataong di dapat sayangin

hindi ang pagmamalaki sa halip ay pagpapakumbaba
pagkakataong di dapat sayangin

sensitibo sa mga salitang binibitawan at gawa
pagkakataong di dapat sayangin

pagpapahalaga at hindi ang pagbabalewala
pagkakataong di dapat sayangin

pagal ay nararamdaman dinadamayan sa pinapasan
pagkakataong di dapat sayangin

pangunawa’y nilalawakan at pinagninilaynilayan
pagkakataong di dapat sayangin

ipinunla ay pagmamahal, na pumukaw ng kusa

ito ang mga pagkakataong na di dapat sayangin
sapagkat hanggang ngayon sa akin ito’y wala

Kamalayang Kalayaan 99

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s