Eskuwelahang kong mahal

ESKUWELAHANG KONG MAHAL

Sa ika-apat na palapag paa’y duon dinala
Sa sulok ng koridor ay nagpasyang umupong mag-isa
Upang duo’y maghintay ng makakasama

Naghahanap ng mga kakilala
Inikot ang mata at tingnan sila ng isa isa
Duon natanaw ang mga estudyanteng naglilipana

Maraming mga bagay ang umiikot sa kaisipan
Hindi ko naman maibahagi dahil walang kakuwentuhan
Naghahanap ng taong may malayang kamalayan

Gustong isulat ang nasa isipan
Tulang tungkol sa mahal kong eskuwelahan
Na humubog at nagbigay ng karunungan

Eskuwelahang mahal mata’y binuksan
Pati tainga ay iyong binulungan
Ng mga katotohanang di namamalayan
Na nangyayari sa ating abang lipunan

Diwa at malayang kaisipan ay pinagyaman
At lubos na maintindihan, paligid na ginagalawan
Sa paglabas pabaon ay makataong pamantayan
Para Ibahagi sa mga taong salat sa katarungan

– Kamalayang Kalayaan –
January 26, 1999

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s