Tao lang ako

Mahirap talagang maintindihan ang buhay, o ang buhay ko lang ang mahirap intindihin o baka naman ayaw ko lang itong intindihin, akala nuon ganuon na ako kalawak ngayon alam ganuon din pala ako kakitid tulad ng isang karaniwang tao, tama nga ang sabi ng isang kanta “ang tao ay tao pa rin”. Kahit akala mo ay naisip mo na ang solusyon sa mga problema, uusbong pa rin ang iba pang suliranin, kahit akala mo matatag ka na, marupok ka pa rin pala. Mayroon mga bagay na mahirap tanggapin o kaya ayaw ko lang tanggapin iyon. Nasaktan lang siguro ang aking sarili o kaya hindi matanggap ng aking sarili ang katotohanan. Akala ko ba ang katotohanan ang siyang magpapalayo, matagal ko na itong naririnig, nababasa o nakikita. Bakit nga ba mahirap tanggapin ito? Sa aking opinyon lang pagmahal mo ang isang tao, mahirap talagang tanggapin na hindi niya ito maibabalik sa’yo o maibabalik niya pero sa pamamaraan na iyong ninanais. Ewan ko ba, akala ko handa na ako, ayoko na sanang makaramdam ng sakit pero nasasaktan pa rin ako, siguro hindi pa ako handa, nakumbinsi ko lang siguro ang aking utak pero hindi ang aking puso. Hindi ko gusto ang makasakit pero habang buhay na lang ba akong masasaktan, nakakapagod rin palang masaktan. Nabasa ko sa isang libro “kung may nagmamahal sa isang bulaklak na kaisa-isahan lamang sa milyun-milyung bituin, sapat na ang tumingin siya sa mga bituin para matuwa siya. Mababaw lang siguro akong tao, pero malalim ang aking puso.

Kamalayang Kalayaan 2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s