Agilang malupit

AGILANG MALUPIT

Bumabalik na naman sa atin ang mga taong isa sa dahilan, ng ating paghihirap. Dala dala ang bagong kasunduan na pumapabor lamang sa kanila at lilinlang sa bawat isang Pilipino. Nakapangngingitngit sa dahilang hindi na tayo natuto sa nakaraan. Na ginawang pang-aabuso sa atin ng mga dayuhan.

Tulad ng mga Pilipina na ginawang laruan at libangan, na inanakan at inawan na lang. Hindi pagbibigay ng katarungan sa basurerong binaril sa base dahil napagkamalan na baboy ramo. At ang mga mapinsalang armas at basurang nukleyar. Na iniimbak at nagbibigay panganib sa libo libong pilipino. Matalik na kaibigan raw natin ang mga kano mula pa ng tayo ay sakupin nila. Mukhang hindi yata nila alam ang kahulugan ng isang kaibigan. Sa aking pananaw ang tunay na magkaibigan ay dapat pantay ang relasyon at walamang lamangan.

Binaril ng sundalong dayo ang kawawang Pilipino
Napagkamalan na isang baboy ramo

Isa lang siya sa nakitil sa kamay ng mga kano
Sa basurahan ng mga imperialismo

Kay hapdi at kay sakit
Sugat na likha ng agilang malupit
Sila ay bumabalik
Kukong kay tulis ang gamit
Na sa atin ay sisikil

Sa isang kasunduan na kanilang lalagdaan
Karapatan ni Juan unti unting lumilisan

Aangkinin na naman ang lupang tinubuan
At tatango na lang sa panginoong dayuhan

Kay hapdi at kay sakit
Ang sinapit ko ay muling maulit
Tinig mo at tinig ko
Sana’y mayron nang makinig
Hadlangan ang agila’y bumalik 3x

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-30 ng Hulyo taong 1998
alas 5:00 ng hapon
sa aking silid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s