NASAAN ANG KALAYAAN?
– Nasaan ang Kalayaan? Ito ang malaking tanong, sa sarili ko ngayon. Ipinagdiwang nila ang tinatawag nilang kalayaan, na sobra sobra yata sa karangyaan. Hindi nila alintana ang maraming nagugutom at walang makain sa bawat sulok ng pilipinas. Naniniwala ako na dapat mayroon itong kaakibat na mabigat na kahulugan at kaganapan para sa lahat. Hindi lamang dapat ito sa salita. Kung ang ipinaglalaban ng ating mga bayani. At bawat isang mamamayang pilipino noon. Na nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Ay ang Karapatan, Katarungan at tunay na Kalayaan. Naisasakatuparan o nangyayari ba ito sa ating panahon? Kung buhay lamang sila, kanilang sasabihin na hindi pa tayo malaya. Dahil ang mga kaaway ng bayan ay buhay na buhay pa rin sa ating panahon.
Isang daang taon ang nakalilipas
Marami pa rin ang naghihirap
Isang daang taon ng pakikibaka
Para sa ating ganap na paglaya
Tingnan mo sila walang pinagkaiba
Sa mga dayuhan sa atin umalipusta
Pinagdidiwang ang kalayaan
Na hindi nila alam ang kahulugan
Nasaan ang kalayaan?
Kung ang tiyan ay walang laman
Nasaan ang kalayaan?
Kung wala kang katarungan
Nasaan ang kalayaan?
Nasaan ang kalayaan?
Nasaan ang kalayaan?
Aking Kababayan
Malaya na ba ang pilipino?
Tanong ko sa sarili ko
Malaya na ba ang pilipino?
Itanong mo sa sarili mo
Sa ating mga ninuno na lumaban
At nagbuwis ng buhay para sa bayan
Ipagpatuloy natin ang laban
Totoong kalayaan ng Anak ng Bayan
Nasaan ang kalayaan?
Kung lupa mo’y kinakamkam
Nasaan ang kalayaan?
Kung wala kang karapatan
Nasaan ang kalayaan?
Nasaan ang kalayaan?
Nasaan ang kalayaan?
Aking Kababayan
Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-15 ng Hulyo taong 1998
alas 8:30 ng gabi
sa aking silid
nasaan ang kalayaan…sabi nila nasa quezon city raw he he he he 🙂
Napakaganda ang akda mong tula
at tunay ito ay nagpapa-alala
na ang diwa ng kalayaan ika nga
ay di pa lubos na ating nadarama
pagkat totoo tayo pa rin ay tuta
ng mga dayuhang mapagsamantala
ang gobyerno nati’y nakatali pa
sa duyan ng kanilang pamamahala.
maraming salamat….Melvin Banggollay
sadyang mahirap makamtan ang kalayaan, sa bansang alipin ng makakanlurang gawa,at paniniwala kayat kalagin ang tanikalang sa mga bisig ng obrerong alipin ng dayuhang kapitalista…….gumising ka pinoy binabangngot ka ng sarili mung panini wala……..panahon nang ikay bumangon itaguyod ang MAKABAYANG MAPAGPALAYA…………GISING PAGKAT ANG PILIPINAS AY PARA SA PILIPINO LAMANG NA MAKABAYAN……..
kailan nga ba tayo naging malaya?
noong araw ba na iwinagayway ang ating bandila?
o noong araw na nilisan ng mga dayuhan ang ating bansa?
kababayan, tunay nga ba na tayoy nakalaya na?
sino nga ba ang hindi makakalimot
sa ganitong karanasan.
karanasan na may madugong kasaysayan
kasaysayan na nagpamulat sa ating isipan.
kasaysayan na nais mabigyan ng katarungan at kalayaan.
kalayaan! kalayaan! ang nais makamtan ng karamihan.
kalayaan para maliwanagan,
maliwanagan ang kaisipan sa madilim na karanasan.
malaya na ba ang Pilipinas?
tanong sa sarili ko
malaya na nga ba ang Pilipinas?
itanong mo sa sarili mo
kalayaan nga ba ang ating nakamit?
o sadyang tayo muling nagpapagamit?
tayo nga ba’y hindi na nga preso o alipin?
o lumalaki lamang ang kulungan na ginagalawan natin.