#02 Kakanyahan

Introduction to Hierarchism Part One:
Hierarchic Selection The Evolution of Social Substructures

#02 Kakanyahan
Birth and Person Biology 2

original link
http://www.garygranada.com/

Salahedangana! Anu yon? Pag nakinig kayong mabuti, malalaman nyo.. Mayron akong tatlong anak. At kahit na pareho sila ng parents, marami silang pagkakaiba. Yung isa gusto ng isda, yung isa R&B ang music, yung isa computer games. Iba ibang style ng damit, iba ibang type ng sine. Iba-iba ang Preferences o Nais. At dahil dito, nagkakasakitan ang mga tao, dahil inaalipusta ang taste ng ibang tao. Ayy jologs, Air Supply! Titanic, yuck baduyy! At marami na ngang nasaksak sa videokehan dahil sa My Way. In short, kanya-kanyang kaligayahan lang yan. Kaya dapat pagbigyan na lang natin ang isa’t isa.

Yung isa pang pagkakaiba nila ay sa area of competence. Yung panganay, sumali sa choir. Yun namang bunso, mahusay sumayaw. Yung gitna nag varsity ng basketbol, mana sa tatay. Sa ating lipunan, may hierarchy rin ng Competencies o Galing. Mas binibigyan ng importansya ang galing mag-computer kaysa galing mag-alaga ng bata. Ang mga artistahin, professionals, managers.. ay milya-milya ang layo ng kinikita kaysa tagaluto at tagalaba nila. Sikat ang mahusay magtalumpati, di kilala ang mahusay na magbubukid. At sa taong 1995, halimbawa, mas malaki ang bayad kay Michael Jordan kaysa sa pinagsamang sahod ng lahat ng mga babaeng manggagawa ng Nike sa Indonesia. Unfortunately, itong hierarchy na ito ay katanggap-tanggap sa marami. Ano sa tingin nyo, ok lang ba yun?

At ang isa pang obvious na pagkakaiba ng mga anak ko, ay yung pangangatawan nila. Yung isa payat, yung isa bondat, yung isa sakitin. At ako naman, nabuhos na nga yata sa akin ang lahat ng biyaya ng langit: pandak, pango, panot, malaki tiyan, maitim, bukaka ang ipen. Lately ko lang na-realize na pag pinagsama-sama mo pala yung mga yun, gwapo pala ang kalalabasan, hmm..

Pero sa totoong buhay, masakit yun ha. At maraming tao ang nasasaktan dahil sa panghahamak ng Anyo o Physicalities. Kung mataba at pangit ka, doble ang hirap mong makahanap ng trabaho dahil wala ka nung sinasabing pleasing personality, na ang ibig sabihin ay paatras ang mukha, paabante ang dibdib, at higit sa lahat, maputi ang kilikili.

Pero kung malungkot yan, mas malubha pa ang sinasapit ng mga may kapansanan. Ang mga bulag, bingi, ngongo, pilay, pipi, duling, mentally injured, at ang mga kakaibang personalidad tulad ng mga autistic persons, o may genetic irregularities gaya ng Down’s syndrome.. Hindi na nga sila nabibigyan ng pagkakataong paunlarin ang sarili, ginagawa pang katatawanan.

Kung maalala natin, yung sa Kalikasan ay hierarchy between humans and non-humans. Ito naman ngayon ay mga hierarchies among humans ayon sa kanilang, pay attention, pagkasilang at pagkatao. By birth and as persons. At tatawagin natin itong Kakanyahan. Bukod sa kani-kaniyang Nais, Galing at Anyo, tayo rin ay may kani-kaniyang Sari, Edad at Lahi. Sex, Age, and Race.

And speaking of race, bale wala na sa atin yung mga racist na biro tungkol sa mga Bisaya, Intsik, Muslim, Nitibo. Pero hindi biro ang kalupitang dulot ng iba-ibang mukha ng Racism: discrimination, segregation, slavery, ethnic cleansing, genocide. Complikadong debate kung paano i-define ang race. Kaya simplehan natin at daanin natin sa birth certificate. Doon sa iyong birth certificate ay may place of birth. Pwedeng sa Sudlon, Catungawan, Guindulman, Bohol; na nasa Visayas, na nasa Pilipinas, na nasa Asia. Kaya dun pa lang, sala-salabat na ang lahi mo.

Yung dala-dala mong genes ay sasabak sa physical and social environment ng iyong geographical location, at nagkakaroon kayo ng similar na physiology, common language, social habits, o ethnic o national identity, na tinatawag nating Lahi. Kaya lang, dahil sa migration at mixed marriages, ang mga tao ay ika nga, nagkakapalitan ng mukha. Factor in globalization, and the more reason we have for doing away with rigid racial categories that only reinforce racial prejudice.

Kung may place of birth, mayron ding date of birth. Kaya naman mayron kang Edad. At yun ang dahilan kung bakit may child abuse, kasi may child. Dahil huli kang isinilang, vulnerable ka doon sa matatanda na mas malalaki, mas malalakas, mas maraming alam kaysa sa iyo. Pagtanda mo naman at uugod ugod ka na, vulnerable ka uli, dun naman sa mga mas bata at mas maliksi kaysa sa iyo. Pero balik muna tayo dun sa mga bata. Maalala ko noong bata pa ako, a few years ago, ang saya maging bata. Pero naglipana ngayon ang mga batang namumulubi, laspag ang katawan sa trabaho, vulnerable sa pananakit at pangmomolestya, at traumatized ng gera.

And lastly, isinilang din tayo na may Sex – either female o male. Ibang usapin pa yun kung happy ka na male ka o female ka. Now pay attention, medyo tricky ito. Ang problema ay ganito: Hindi pa naiigpawan ng human species ang aggression as means of resolving conflicting interests. Kaya namamayagpag ang mga siga, macho, dominante at tuso. At dahil ang mga ugaling ito ay mas evident sa kalalakihan, llamado ang lalake, dehado ang babae. Mas maliit ang sahod, mas pagod sa bahay, mas mababa ang ranggo sa lipunan.

Maraming expressions ang gender bias. Nandyan ang gender roles, o yung sinasabing gawaing pambabae at panlalake; gender stereotypes, o yung laging bukambibig na kababae mong tao, ginagawa mo yan, o di kaya palibhasa lalake; at nandiyan din yung public-domestic dichotomy, ang lalake pang production ang babae pang reproduction o pambahay at pangkama. Yung iba naman ay nagsasabi na maaring may biological factors din. Kaya mas babae ang nabubugbog kasi mas malalaki ang mga lalake; I know, I know, generally. At saka, so far, babae ang nagbubuntis, nanganganak at nagpapasuso, kaya doble ang pasan ng kababaihan.

Ang tawag sa social order na dominante ang lalake ay Patriarchy. Ano ang alternative? Ang suggestion ng marami ay Mutuality, o pantay na ugnayan at kooperasyon ng babae at lalake. At habang hindi pa patas ang turing at trato sa babae at lalake, kailangang magpalaganap ng gender sensitivity, tungo sa gender equality, tungo sa hangad nating lipunang gender neutral, o walang pagtatangi sa Sari.

And that completes our hexagon: Sex, age, race, physicalities, competencies, preferences. Diversities in circumstances of birth and as persons. Sari, lahi, edad, anyo, galing at nais. Salahedangana. Yan ang ating kani-kaniyang mga Kakanyahan.

At dahil totoong
Bawat tao ay may mga kakanyahan,
ang ating sadya ay
Gawing pantay ang turing sa mga kakanyahan.
Ngunit kung ang nangyayari ay
Hindi patas ang turing sa mga kakanyahan,
ang ating badya ay
Labanan ang pagtatangi sa mga kakanyahan.

Thank you for your time. ~~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s