A Little Help for Jopay

Fixing A Broken Heart

Ako po si Ronnie Boy Gavile, nakatira sa 2909 E. Rodriguez Street, Malibay, Pasay City. Ako po ay humihingi ng tulong para sa aking anak na si JULIANA CLARIZ “JOPAY” GAVILE. Siya po ay may sakit sa puso. Hindi po namin nalaman na siya ay may sakit noong baby pa lamang siya kasi di siya namin napa-new born screening noong ipinanganak siya. Ipinanganak siya sa Suay, Himamaylan, Negros Occidental at noong mga nasa 4 to 5 months na siya lumipat kami sa Tagbilaran, Bohol. Bumalik kami ng Suay noong siya ay mga nasa 3 years old. Hindi namin inakala na siya ay may ganung sakit kasi napaka-healthy niya namang bata. Mataba siya noon, maliksi, at panay laro. Noong una wala kaming natika o napansin nga anumang signs o mga pasa-pasa sa katawan. Nalaman lang namin na siya ay may sakit noong nagkalagnat siya. Nagkatrangso siya noon kaya pinacheck-up siya ng Nanay ko. Dinala siya sa Hospital para macheck-up at doon nalaman na iba ang tibok ng kanyang Heartbeat. Pinasuri siya ng Nanay ko at ang sabi ng doctor may butas daw ang puso niya. Noong siya ay nasa 5 years old na pinadinala siya dito sa Manila ng ate ko para mapatingnan ng malaman ang kalagayan niya. May record siya ng mga check-ups niya sa Philippine General Hospital. Napa-X-ray at 2D Eco rin siya. Ang sabi ng mga doctor po eh kailangan niya maoperahan sa lalong madaling panahon. Siya po ay 8 years old na etong July 12. Sa ngayon may mga gamot at vitamins siyang iniinum. May mga nakikita na kaming sign ng mga pasa-pasa sa katawan niya paminsan-minsan at sa ngayon at sobrang pumayat siya kahit nagba-vitamins eh di na talaga tumaba. Habang lumalaki siya papayat siya ng papayat. Ako po sa ngayon ay walang trabaho. Pumunta po ako dito sa Manila para maghanap ng trabaho at para maasikaso ko rin po ang anak ko. Ako po ay nananawagan sa mga taong may magandang puso para matulungan ang anak ko para sa pagpapagamot at pagpapaopera ng kanyang PUSO. Higit po akong magpapasalamat sa mga tulong na inyong maibibigay para sa anak ko. Pagpalain nawa kayo ng ating Poong Maykapal. Mabuhay po kayo sampu ng inyong mga pamilya.

Taos puso pong humihingi ng tulong,
Ronnie Boy Gavile

Contact:
Janette Gavile (Jopay’s Aunt & Guardian)
at 0922-8864956 / 238-0929

Bank details:
Lanbank of the Philippines – Pasay City Branch
Account name: Janette Gavile
Acct number: 2216058006

A little help can make a difference – KK2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s