Kapayapaan

KAPAYAPAAN

Ako’y isinilang sa gitna ng labanan
Mga mata’y minulat sa kaguluhan
Ilang dekada na ang nagdaan
Patuloy pa rin ang paglalaban

Pilit kong sinasagot ang mga tanong
Mungkahi ko’y hindi nila tinutugon
Baril at bala ang kanilang tenga
Digmaan ang solusyon nila sa problema

KORO
Kapayapaan ang tanging nais ko
Sa aking bayan ito ang pangarap ko
Pag-usapan ang ugat ng labanan
Igalang ang mga karapatan

Kapayapaan hindi digmaan
Kapayapaan sana’y makamtan
Hindi muslim o kristiyano
Tayo’y mga pilipino

Kapayapaan ang tanging nais ko
Sa aking bayan ito ang pangarap ko
Buhay inyong pahalagahan
Wakasan ang madugong patayan

Kapayapaan hindi digmaan
Kapayapaan sana’y makamtan
Hiling ng mga kabataan
Ang hinahangad nilang kapayapaan
Hiling ng mga kabataan
Ang hinahangad nilang kapayapaan

Kapayapaan, Kapayapaan

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-9 ng Abril taong 2000
alas 11:30 ng gabi
sa aking silid

One response to “Kapayapaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s