Gusto kong maging composer….hmmmmmm?

Gusto kong maging composer….hmmmmmm?
ni Kamalayang Kalayaan

Naalala ko sabi ko sa isip ko gusto kong gumawa ng kanta, pero paano nga ba gumawa ng kanta? Bahala na, basta gagawa ako ng kanta, dahil mahilig ako sa musika at saka tumutugtog din ako diyan sa labas ng kalye namin tuwing brownout. Siguro makakagawa rin ako ng sarili kong awit. Sa di inaasahan dumating na yung araw na iyon, sa isang iglap nakaisip ako ng himig at letra habang nakaupo sa tumba tumba ng nanay ko. Pero hindi pa ito buo, di malinaw kung simula ba yung nagawa ko o gitna o ending part, ang mahalaga nakapagsimula. Naisipan ko kasing gawan ng kanta yung nililigawan ko he he he, ito siguro yung tinatawag nilang inspirasyon, di ba malakas ang dating nun ha ha ha naks pogi points ka. Anyway so naganap na ang inaasam asam ang una kong obra, iba yung pakiramdam, sarap ng feeling, para kang tumama sa lotto sa saya, laging mong kinakanta kahit galit na kapitbahay mo dahil paulit ulit na lang he he he, yun nga lang nahihiya ka pang sabihin na gawa mo ito baka mapagtawanan o masabihan ng baduy o ayaw ma reject he he he. Naisip ko hindi pala natatapos sa unang kanta ang lahat, siguro nagsasawa ka na rin para ka kasing sirang plaka, paulit ulit at yun at yun na lang kinakanta mo, ngayon susubukan mong ulit gumawa ng pangalawa.

Hmmmm kumbaga kung na challenge ka nung una, mas ma chachallenge ka ngayon, dahil dapat iba, bago, iisipin mo ano ba ang tema, tungkol ba ulit sa crush mo? o sa nambasted sayo? o hahanap ka ng bagong inspirasyon?. Magandang tanong, sa radyo napansin ko kadalasan ng mga kanta dun ay tungkol sa pagibig, iba iba lang, merong tungkol sa bigo, merong masaya, merong pang ikakasal, merong nagaaway, merong nagsusulutan, meron nagkakabati, meron din walang laman, makapang aliw lang. Bakit nga ba ito lang ang paulit ulit kong naririnig sa mga radyo? Hindi naman sa ayaw ko sa tema ng pagibig bagkus eto nga yung una kong gawa tungkol sa pagibig, pero siguro isang hakbang naman di lang naman pagibig ang problema ng mga tao, o di lang sa pagibig umiikot ang buhay ng mga tao, marami na akong napakinggan na kompositor at mangaawit na mahusay ang kanilang mga gawang kanta pero hindi ko sila napapakinggan sa radyo. Bakit? Nakaklungkot isipin na sayang hindi ito napapakinggan ng nakakaraming mga nakikinig, nakakapanghinayangL. Kaya ginawa ko silang inspirasyon, ang mga kompositor at mangaawit na ito, sila yung nagbukas sa aking isip na pede kang sumulat pa ng ibang tema bukod sa pagibig, gumawa na ako ng kanta tungkol sa kalikasan, bata sa kalsada, politika, biktima ng karahasan, tungkol sa problemang panlipunan, sa mga ibong maya etc etc etc.

Akala ko sa paggawa lang ng kanta o komposisyon matatapos ang lahat, di pala, gusto mo na itong e record. Kasi gusto mo na itong iparinig sa iba. Paano? Yun ang malaking tanong, so hahanap ka ng studyo na ang bayad ay per ora. Sino tutugtog at kakanta? Sa kaso ko dahil pangit ang aking boses, ahhhhh di naman pala pangit di lang radio friendly he hehe, kailangan kong kumuha ng “singer” o “interpreter”, kailangan mo silang bayaran dahil ginagamit mo ang oras at talento nila o kaya kumuha ka ng kaibigan na marunong kumanta kaya libre, yun ang ginawa ko ha ha ha. Ngayon me singer na ako. Sino tutugtog? Problema na naman, hay, dahil marunong naman akong mag gitara ako na, pero sino magta ambol? Keyboard? Bass? Lead Guitar? Sakit sa ulo!

Saka anong areglo ng kanta mo? Mabilis? mabagal? Malungkot? Masaya? o “genre”? rock ba ito? Pop? Jazz? RNB? Accoustic? Etc etc and dami daming dapat ikonsidera. Pero sabi ko sa kaibigan ko masuwerte ang henerasyon namin dahil sa makabagong teknolohiya, sa panahon ng computer, lumabas na ang digital recording, pede ka nang magpareglo ng kanta mo ng full band sa isang “arranger” kung nagtitipid ka at hindi mo kaya ang live band. Ito yung gagamit ka na ng mid sequencer, sensiya medyo technical na, pero ang mid sequencer pinakamadaling explanation meron ka nang one man band, basta yun na yun he he he. Pag na agreglo na ang kanta kailangan mo pa itong e pa mixed, hmmmmmm mixed? Ano yun? Hindi natatapos sa pagrecord at pag areglo ang isang kanta, kailangan itong e mixed, ibig lang sabihin pagandahin, e timpla ng magandang tunog yung kanta at iba balance mo ang kanyang tunog para maging kaaya aya sa pandinig ng tao. So magbabayad ka na naman sa gagawa nito. Pag natapos na, ngayon handa ka nang iparinig ang kanta mo. Saan? Oo nga no… Problema na naman. Paano ba ito mapapakinggan ng mga tao? Yung kanta mong nasa isip mong magiging no. 1 hit he he he. O kaya magkakaroon ng music video o kakantahin ng mga sikat na singer o banda. Paano kung wala akong koneksiyon sa radyo? Tsk tsk tsk hay….. paano nga ba? Ilalako ko na lang sa radyo baka mapansin, kaya lang paano yung iba na walang pera pang record? Paano yung ibang hindi papasa ang recording sa standard nila dahil demo lang, dahil sa bahay lang ni record ito gamit ang computer o software? O sa banyo lang nila ni record ang kanta nila para tahimik?, o nirecord sa kanilang celphone? Hay…… Paano nga ba? Upload ko na lang Youtube at post ko sa FB he he he. Nakakatawang isipin pero hindi pala nakakatawa ang maging composer, dadaan sa butas ng karayom ang kanta ko, ang aking obra😦

23 responses to “Gusto kong maging composer….hmmmmmm?

  1. kaya mo yan brod….magpahayag ka lang.. unang kalaban ng kompositor ay ang sumubok…. baka makatulong ito sayo

    Gary Granada – Free Lesson In Songwriting part 2

    Gary Granada Free Lesson In Songwriting part 3

    salamat

    KK

  2. Aus.. Ganon din ako mahilig din ako magcompose ng kanta..kahit gitara, kapirasong papel, ballpen at sariling idea lang ang gamit ko(Inspirasyon).
    May ilan din akong nagawa na ang iba ay tungkol sa pag ibig. At ang iba ay yung nakikita ko sa labas ng bahay namin.
    Masaya ang gumawa ng kanta lalo kung may inspirasyon ka sa paggawa nito lalo kung may paglalaanan ka nito.

  3. gagawa tlga ako ng kanta, dhil sau at sa iba kau ang gagawing kong dhilan para mkgawa ng magandang kanta,,, marame na rin akong nagawang kanta,,,,,,, sana makilala kpag pinakita kuna sainyo lahat…..

  4. kuya yung sabi mung dadaan sa butas ng karayum napa kahirap naman…. at saka kailan mo ba nabuo ang whole song kuya ilang araw ang binuwis mo??

  5. Paano po ba sisikat isang batang karaniwan lang at nakagawa lang ng kanta na maganda at bagay sumikat?

  6. may kanta napo ako..5 na nagagawa ko.. gusto ko po sanang ipaayusng kong maganda ba oh hindi.. love song po ang mga compose ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s