Ang awit nito ay nasulat ko dahil napansin ko sa kulturang filipino ay nagkalat ang mga taong mahilig mang libak o manglait o pumintas sa mga kakulangan o kaugalian ng kanyang kapwa, kapamilya man o hindi man. Maraming nasasaktan sa mga ganitong mga masasakit na pintas, minsan nakalimutan din nating tingnan ang ating mga sarili.
SI SERO AT SERA
ako’y may kilala si sero at si sera
dakilang pintasero at pintasera
laging namumuna sa mali ng iba
di tinitingnan sariling pagkukulang
ako’y namamangha kay sero at sera
walang lumalabas kundi mga pintas
parating tama paggawa nila
kapag pinuna napipikon sila
KORO
si sero at si sera pintasero’t pintasera
si sero at si sera hipokrito hipokrita
si sero at si sera pintasero’t pintasera
si sero at si sera hipokrito hipokrita
si sero at si sera pintasero’t pintasera
Nagkalat kung saan ang ganitong katauhan
sa ating lipunan pati sa tahanan
kailan mawawala masamang kaugalian
kailan malalaman salitang paggalang
KORO
si sero at si sera pintasero’t pintasera
si sero at si sera hipokrito hipokrita
si sero at si sera pintasero’t pintasera
si sero at si sera hipokrito hipokrita
si sero at si sera pintasero’t pintasera
Kamalayang Kalayaan
oktubre 3, 2001
10:15 ng gabi