#04 Paniniwala

Introduction to Hierarchism Part One:
Hierarchic Selection The Evolution of Social Substructures

#04 Paniniwala
Belief Systems Ethics
original link
http://www.garygranada.com/

Feeling showbiz tayo ngayon. Kamusta nga pala ang inyong lovelife? Uyy.. Ako, talagang no time for love, puro trabaho ang inaatupag. Dala na rin kasi ng hirap ng buhay.

Pero pag busog ka (lagpas ka na sa biology), at komportable ka na, walang masyadong inaalala (lagpas ka na sa physics), magkakaroon ka ng kakaibang surplus. A surplus of Time. And what do you do with your free time? Aah.. you think about beauty, love, truth, meaning of life ek ek. In short, you enroll in an Ethics class.

Actually ang suspetsa ko diyan, ang Ethics ay resulta ng paglaki ng tiyan, no kidding. Ang tiyan kasi ay nag-e-expand ng 20 times its volume pag puno kesa pag walang laman. So, nagkakaroon ka ng surplus time habang dina-digest ang pagkain. So, more stomach, more time to think! Kaya nga lang, instead of truth and meaning of life, to some people it just means more time to think of food also. Which means, more and more stomach. Kaya wala ring progress sa Ethics.

Ethics – the metaphysics of right and wrong, good and evil, moral and immoral, proper and improper. Do you mind if I smoke? ..Exactly. Some would mind, some would not mind. And that’s how Ethics works. It’s all in the mind.

Or brain, to be more precise. The human brain is equipped with memory, logic and imagination. The memory drive has two main folders: nice and not nice. Now logic scans the memory files and learns from experience, so that the not so nice like poisonous snakes or falling rocks may be avoided, and the very nice like good food and good sex may be repeated.

Ahh but some things are difficult to explain. Tulad ng pag tinanong ka ng iyong Math teacher, bakit mali ang solution mo pero tama ang answer mo? At baka nga totoo yung sinasabi, that only humans can lie convincingly. Niloloko pati sarili. At pag hindi mo nga naman napaliwanag, tulad ng kidlat, lindol, bagyo, eclipse, and specially death, it’s very frustrating and you feel powerless. And that’s where imagination and denial can come in very handy.

In time, humans have accumulated quite a pile of superstitious beliefs. Lucky charms, god, gods, heaven, spirits, multo, horem-horem and most specially, life after death. And they are believable because the brain operates on both logical and denial modes simultaneously. Rule #1 in advertising and adventure movies: fact + fiction is more believable than pure fact.

And it so happened that as Economics evolved from reciprocal to feudal to industrial, beliefs also became more and more systematized – hanggang sa at some point naging organized religions. At magaganda naman ang itinuturo: faith, hope, charity, humility, piety.. At sumunod naman yung mga modern secular religions. At ang turo ay mabubuti rin: freedom, human rights, democracy, social justice, equity.

Sa isang banda, ang mga paniniwala ay nagbibigay ng kasiyahan at kulay sa ating mundong madalas nakakayamot. Ang mga piyesta, pasko, birthday, kasal, binyag, libing, anibersaryo, parangal, sayaw, tula, awit, nobela, buenvenida, despedida, por vida!

Ngunit sa isang banda rin, ang paniniwala ay isa sa pinakamalupit na pumapatay ng buhay. Saksi ang kasaysayan. Dahil sa kanilang taimtim na paniniwala sa Diyos na sabi rin nila ay mapagmahal sa lahat ng tao, tinutugis at sinusunog pa ng simbahan ang mga taong iba ang paniniwala. If you think it’s a thing of the past, i-type nyo ‘hate crimes’ at ‘honor killings’ sa Yahoo search.

At kahit sa ating mga maliliit at malalaking samahan, hangad man ng lahat ay kabutihan, hindi maiwasan na hindi magpataasan. Sa 25 years ko dito sa mundo (denial mode!), wala pa akong nakitang frat o sekta o political group na nagsasabing We are number two!

Ano ang nangyari at ang mga taong pare-parehong mabuti ang hangarin ay nagiging mortal na magkalaban? Siguro ganito yun.. Lahat ng samahan o kilusan ay nagsasabing ‘Serve the people!’ And in order to serve the people better, we need to make ourselves stronger. Sounds logical, but in the process, nakakaligtaan natin ang ating original intention which is to serve the people better, at nalululong tayo sa making ourselves stronger – stronger than others, even stronger than the people we were supposed to serve! And we say three things:

One, tayo lang ang tama – that’s fundamentalism.
Two, bawal makinig sa turo ng iba – that’s sectarianism.
And three, kahit pareho pa yung sinasabi nila sa sinasabi natin, tayo lang ang wasto at totoong organisasyon – that’s centralism.
Pag pinagsama-sama natin yung tatlong yun, yun ang ibig sabihin ng Unilateralism.
Ano ang alternative? The opposite of unilateralism: Pluralism.

It suggests dialog, intersubjectivity, and ever earnestly trying to understand where the others are coming from. But how can you be in their shoes when you are in your own shoes?

Perhaps someday, baka posible na i-modify yung mga genes o segments ng ating DNA na nagbubuyo sa atin na maging excessively self-consumed. Pero baka matagal pa yun, bukod sa baka hindi rin yun ethically acceptable sa marami. Meanwhile, we might want to give a little more attention to the virtues of forebearance, silence, contemplation, and even slowness.

This little illustration might help. Ang nakikita mo sa kabila ng salamin ay pareho rin sa nakikita mo sa salamin. Kaya nga salamin. Except that, when you look in the mirror, you become part of the picture.

At sa hinahangad nating mapayapang kaayusan, sa gitna ng samutsaring paniniwala at paninindigan, maigi sigurong ugaliin nating mag reflect (masdan ang reflection sa mirror hehhe). At harinawa, usisahin nating kasama ang ating mga sarili sa mga realidad na ating sinusuri at hinuhusgahan.

At dahil totoong
Samutsari ang mga paniniwala,
ang ating sadya ay
Kilalanin ang mga paniniwala.
Ngunit kung ang nangyayari ay
Hinahamak ang mga paniniwala,
ang ating badya ay
Huwag hayaang hamakin ang mga paniniwala.
Thank you for your surplus time. ~~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s