Babaeng hustisya

BABAENG HUSTISYA
(lady justice)

Hustisya ito ang sigaw ng milyong milyong pilipino ng pinagkaitan nito. Katarungan ang tanging nais lalo na ang mga maralitang pilipino. Tulad ng mga manggagawa na magpasa hanggang ngayon ay humihingi na itaas ang suweldo. Para maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa araw-araw. At makasapat sa kanilang pangangailangan.

Mga magsasakang inaagawan ng lupa o hindi binibigyan ng pantay na hatian sa ani ng mga asyendero, at pinaiiral pa rin ang sistemang piyudal. Mga Mangingisdang wala nang mahuli sa dahilang pinapatay at nilalason ang karagatan. Dahil sa pagtatapon ng dumi ng mga malalaking planta ng mga kapitalismo.

Mga istudyanteng hindi pinapakinggan ang mga boses dahil sa maling pamamalakad sa sistema ng ating edukasyon at bawat pilipinong indibidwal na nabibiktma ng hindi makatarungan hustisya dahil sa kanilang kahirapan.

Hinuli si Pedro dinala sa presinto
(pedro is capture and they jail him)
Nagnakaw ng ginto bintang ng kanyang amo
(stole a jewelry charge by his master)
Sino pa ang gagawa kundi ang hampaslupa
(who would do it but the poor man)
Dahil raw salat sa yaman at walang pinag-aralan
(because lack of wealth and education)

Naglalakad ang magsasaka papuntang mendiola
(farmers walking down to mendiola)
Para ipaglaban kanilang mga lupa
(to fight for their ancestral land)
Boses at paniniwala kanilang mga sandata
(their voice and faith is the only weapon)
Sinalubong sila ng mga balang walang mata
(but they were confront by a bullet who can’t see)

Tanggalan ng piring ang babaeng hustisya
(take off the blindfold off the lady justice)
Siya nililinlang ng mga mapagsamantala
(she is been trick by the greedy)
Katarungan lang para sa may pera
(justice is only for those who have money)
Hindi sa naghihikahos na masa
(not for the dying and poor masses)

Malayang kabataan uhaw sa katarungan
(free student thirst of justice)
Sumisigaw sa galit ang kanilang tinig
(their voice is shouting in anger)
Namula’t sa sistemang, gusto nilang durugin
(awaken on the bad system, they want to crushed)
Subalit pamalo’t tubig ang hinanda ng naninikil
(but fire hose and policemen club prepared by the oppressor)

Hindi sapat ang natatanggap ng karaniwang manggagawa
(it’s not enough the salary a laborer is receiving)
Pamilya niyang aba lalong naghihirap
(his/her miserable family is getting poorer)
Katawa’y sinasagad sa trabahong kay bigat
(his/her body abused to the limit by his works that so hard
Mamamatay na walang dangal sa kapitalistang nananakal
(and end up in death with no honor in the hands of the capitalist)

Tanggalan ng piring ang babaeng hustisya
(take off the blindfold off the lady justice)
Siya nililinlang ng mga mapagsamantala
(she is been trick by the greedy)
Katarungan lang para sa may pera
(justice is only for those who have money)
Hindi sa naghihikahos na masa
(not for the dying and poor mases)
Tanggalan ng piring ang babaeng hustisya
(take off the blindfold off the lady justice)

Kamalayang Kalayaan
ika-19 ng Mayo taong 1998
alas 5:00 ng hapon
sa aking silid

– Pinapasalamantan ko ang aking kaibigan na si Joel Tangunan. Tinulungan niya ako sa tono ng aking awit sa koro at binigyan ng mga ideya. Napakataas ang aking pagtingin sa kanya lalo na sa musika.

Masasabi ko na isa ako sa humahanga sa mga nalikhang niyang awit. Napakarami niyang naiisip na tono at napakalawak ang kanyang kaalaman sa musika.

Ito ay nakuha niya sa kanyang paglalakbay sa kanyang puso’t emosyon. Nalulungkot lang ako dahil maraming mga tao. Ang hindi nakakakita at nakadadama sa kanyang mga kanta. Hindi nila binigyan pagkakataon ang kanilang mga sarili na ito’y maramdaman.

4 responses to “Babaeng hustisya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s