Hagdan ng pagbabago

HAGDAN NG PAGBABAGO

Nakakagulat ang naging reaksiyon ng mga tao ng hindi pagbigyan ng 11 senador na buksan ang tinatawag kong “mahiwagang sobre”. Natutuwa ako dahil ang mga kabataan halos ang nanguna sa pagpunta sa edsa, akala ko nuon ay puro text, gimik lang at pagcha-chat sa internet ang inaatupag ng mga ito. Malaki ang ginampanan nila at ang teknolohiyang gamit nila para sa pagpapatalsik sa abusadong pangulo natin. Subalit sa tingin ko ay hindi lang sapat na tanggalin, kagaya ng pagakyat natin sa isang hagdan, Ang PAGPAPATALSIK natin ay unang hakbang pa lang sa hinahanap nating tunay na pagbabago at kaunlaran.

Sa aking palagay lang ang pangalawang hakbang ay kailangan muna nating TINGNAN ang ating mga sarili at simulang magnilay. Kung gaano ba ang pagpapahalaga at pagmamahal natin sa ating pamilya, lipunan, kababayan at bayan, lahat ito ay kaugnay sa ayaw man at gusto natin, bahagi na natin sila sa simula’t simula pa.

Sa ikatlong baitang kailangan nating SURIIN ang ating mga pananaw at paniniwala para baguhin ang mga pinamanang kaugalian ng ating mga ninuno at sumakop sa atin, na hindi makatuwiran at makatarungan para sa interes ng nakakarami. Pagdating sa ikaapat na baitang ay kailangan palagi nating TIMBANGIN ang mga pangyayari sa ating paligid. Maging mapagmasid at mapagbantay sa mga galaw ng mga taong namumuno o nagpapatakbo sa ating bansa.

At sa pagakyat nating sa ikalima ay kailangan matuto na tayo sa nakaraan, magiging paulit-ulit o ikot lang ng ikot ang mga pangyayari hanggat hindi tayo natuto sa mali ng nakalipas. Hindi ko nga maintindihan kung likas bang makakalimutin ang pilipino o wala lang talagang pagmamalasakit sa kanyang mga kalahi. Sa ika-anim na hakbang ay kailangan nating LABANAN ang ating mga takot para sa isang pagbabago, napapansin ko kahit sa panahon ng mga ninuno at ninuno natin at hanggang sa ngayon ay ganuon pa rin ang nangyayari.

Ang hindi pagtuloy-tuloy sa mga bagay na kailangan nating baguhin. Lagi lang nating sinisimulan at tuluyan ng hindi ito tinatapos ang tunay na pagbabago. Tinatalo tayo palagi ng ating mga pangsariling kapakanan. Takot sumubok ng mga bagong kaisapan, sistema, kaugalian na makakabuti para sa lahat. Sana ay patuloy tayong humakbang hanggat makarating tayo sa ating hinahanggad nating kasaganahan at kaunlaran para sa nakakarami.

Kamalayang Kalayaan
Pebrero 7, 2001
10:00 ng gabi
sa aking silid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s