#05 Integration

Introduction to Hierarchism Part One:
Hierarchic Selection The Evolution of Social Substructures

#05 Integration
original link
http://www.garygranada.com/

Mabilis lang ito, pramis. Chicken and egg sandwich tayo. So, alin ba talaga ang pinaka-ugat ng lahat ng mga ugat ng problema ng daigdig? Yung patriarchy ba o yung ecological destruction? Yung class conflict ba o yung unilateralism?

If you ask me, I think those who keep saying that there is a mother of all problems that will solve all these problems have an attitude problem. A monumental hierarchic attitude problem.

Aywan ko sa inyo, pero hindi ko talaga ma-imagine na isa lang talaga doon sa apat ang pinaka-ugat ng mga ugat ng lahat ng mga nagpapahirap ng buhay dito sa mundo: tulad ng broken heart, scoliosis, sintunadong boses, tsunami, algebra, toothache, ano pa ba?, premature ejaculation, body odor..

Hay naku, mag drawing na nga lang tayo. Magdrowing tayo ng quadrado, tatsulok, bilog at itlog. Ipag-overlap-overlap natin, magkakaroon tayo ng 15 distinct regions. Apat na walang halo, Anim na dalawahang halo, apat na tatluhang halo, at isang apatang halo.

Kung gawin nating representations ang mga hugis na ito, halimbawa yung square para sa Paniniwala, yung triangle Kabuhayan, yung sphere Kakanyahan, at yung oval Kalikasan, magkakaroon tayo ng mapa ng mga partikular na kalagayan. And this map illustrates the multiplicities of the interconnections among the four hierarchic substructures of Ecology, Birth and Person, Economics and Belief Systems.

Makikita natin na ang mga social issues ay may particularities, depende sa kombinasyon ng apat na mga hierarchies. Halimbawa, Ang labor contracting ay usaping Economics, na maaring may kinalaman din sa gender roles dahil mas mura ang sweldo ng kababaihan. Ang cruelty to animals ay mas primarily usaping Ecology. Ang homophobia at discrimination sa lesbians and gays ay parehong usapin ng Kakanyahan at Paniniwala. At ang US aggression ay bingo! Four out of four: mapangwasak ng kalikasan, malupit sa mga bata at kababaihan, negosyong digmaan ng mga fundamentalistang Amerikanong mayayabang.

Ang kaigihan ng mapa na ito ay mas mahihimay mo ang mga issues at ma locate ang iyong intervention. Halimbawa, hahangaan mo ang pangangalaga nila sa kalikasan pero hindi mo gagawing excuse ito para palagpasin ang kaugalian ng ilang mga katutubo na nananakit ng mga bata. Kikilalanin mo ang mga kabutihang dala ng paniniwalang Kristiyanismo o Islam, pero hindi mo palalagpasin ang mga doktrina nilang mapanupil sa kababaihan.

Makikiisa ka sa mga rebolusyonaryo sa pagsusulong ng mga pangkabuhayang kapakanan ng mga maralita sa lunsod at kanayunan, pero hindi mo iko-condone ang mga summary executions dala ng paniniwalang sila lang ang tama at yung iba ay kaaway at kontra-rebolusyonaryo.

Dangkasi, sa mapanlinlang na mundong ito, may mga korporasyon na concerned na concerned sa environment pero kinakawawa ang mga empleyado. May mga loving fathers na nambubugbog ng asawa. May mga taimtim na nagdadasal bago mamugot ng ulo. May mga mapagkalinga sa mga bata na kanilang ginagahasa.

Ganun ka intricate ang social realities. Life is simple, but its not quite that simple. Ganito na lang. Sino sa inyo ang nakakaalam kung ano ang Mobius strip? Ah marami naman pala. Ang strip of paper ay may dalawang sides, front and back. Dalawang planes na magkabila at hindi nagkikita. Mutually exclusive. Never the planes shall meet! Ehehe

Now, pay attention.. pay attention! Twist, join the ends, and tadaan! you have your Mobius strip. I prefer Mobius loop actually. Now watch this.. Nasa front side tayo.. same plane.. same plane.. same plane.. don’t look at my pretty face, look at my finger.. same plane.. same plane.. same.. oops! bakit nasa likod na tayo? same plane lang yun a.. Tuloy natin.. same plane.. same plane.. same plane.. same plane. O?! Nasa front side uli tayo! It means, do not do this at home, or you might dislocate your arm.

That is how Hierarchism works. Different angles, different turns, different sides. One continuum. Sabay-sabay na sinisira ng tao ang kalikasan, hindi patas ang turing sa mga kakanyahan, mayaman ang iilan – hirap ang karamihan, at hinahamak ang mga paniniwala. Four social substructures, one principle: Mayron kasing uring nagmamataas. Mayron kasing uring nangingibabaw.

Kaya, nasaang section man tayo kumikilos: mangingisda, estudyante, manggagawa, kababaihan, manggagawang kababaihan, katutubo.. Kani-kaniya man tayong pinupuruhang issue: kung sa coastal resources management, o human rights, public debt, good governance, agrarian reform.. Anumang larangan ng pakikibaka: alliance work, party list, popular education, armed resistance, relief, livelihood generation, psycho-social care..

Lahat ay mahalaga at may saysay, yamang nagkakaisa tayo sa ibig nating mangyari: to dislodge the hierarchies that destroy lives, debase persons, demoralize our spirit and derail our democratic and communitarian aspirations.

And if that is the case, then good luck to all of us!

Thank you for your time. ~~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s