Sa iyong paglisan

“Ikinalulungkot ko Pipito ang nangyari.”

“Bakit po ganun? Hu! Hu! Hu! Siya na lang po ay aking kaisa-isang kaibigan. Bakit siya pa ang nawala?”

“Alam mo dito sa ginagalawan nating mundo, minsan kinakailangan mayroong ~magbuwis ng buhay para mayroong ~masagip. Dapat may masaktan upang may lumigaya. Walang sino man sa atin ang hindi
~nakaranas, bawat isa sa atin ay naging biktima ng mga masasakit na sitwasyon at pangyayari, iba’t-iba nga lang ang mukha o hugis, subalit nasa atin ~nakasalalay kung paano natin ito tinatanggap at hinaharap.”

“Hindi ko po maunawaan ang mga pangyayari? Hu! Hu! Hu! Hu!” bigkas na kasabay ang ~tangis ni Pipito.

“Lagi mo lang tandaan, walang nagaganap na walang dahilan. Kung ang ating pagdurusa ay ~makapagdudulot ng pagbubukas sa ating puso at kaisipan, at magpapakita sa atin ng daan para tayo tuluyang mapalapit sa ating Maylikha. Kaya kapag tayo ay ~sumalungat sa ating ~tadhana kapalit nito’y paghihirap at ~hinagpis sa ating sarili. Subalit kung ito’y ~magaang nating tatanggapin at haharapin,
~katumbas nito’y isang ganap na kaligayahan.” pahiwatig ng Agila.

“Matinding galit po ang namumuo sa aking puso, hindi ko malaman kung dapat kong maramdaman ito, kung magagalit ako sa may sala o sa aking sarili, wari ko’y naging ~inutil sa gitna ng malaking nangyaring kapahamakan na naganap sa aking kaibigan.”

“Huwag mong itanim ang galit sa iyong puso, hindi mo dapat hayaang lamunin ng ~poot at galit ang buo mong pagkaibon, walang magandang idudulot ito sa’yo. ~Ikukubli nito ang lahat ng magagandang mga bagay sa iyong paligid, ang iyong nakikita, naririnig at nararamdaman, mga magagandang pagkakataong nasa iyong tabi lang, mga ibang nilikhang nagmamahal sa’yo ng wagas at ~walang pag-iimbot dito sa sangkalupaan. Hindi mo na puwedeng balikan ang naganap na.”

“Pero napakasakit po ang nararamdaman ko ngayon, nawala po ang aking matalik na kaibigan. Ang kirot ay tumatagos sa aking kaloob-looban, mas higit pa ang hapdi ng sugat sa loob at labas ng aking laman.”

“Naiintindihan kita Pipito, dumaan na rin ako sa maraming pagdurusa at pagsubok. Nawalan ako ng isang pinakamamahal ko sa buhay, siya ang lagi kong ~katuwang sa anumang suliranin, umiintindi at umuunawa, nagsasabi at nagtuturo sa aking pagkakamaling nagagawa.”

“Ano po ang nangyari sa kanya?”

“Nabaril siya ng mga taong wala na yatang natitirang ~bait at awa sa sarili nila.” mabigat na pagkasabi ng Agila.

“Ho!”

“Magpasa-hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin sa aking dibdib ang malaking pagsisisi, at panghihinayang na binabalot ng ~pighati.”

“Bakit Po?”

“Nuong nabubuhay pa siya hindi ko nagawang bigyan siya ng kaukulang pansin at lubusang pagpapahalaga. Nilamon ng ~pagmamalaki ang aking buong sarili. Hindi ko tinatanggap na bukas sa aking isip at puso ang mga ginagawa at sinasabi niya sa akin. Ang init ng kanyang wagas na pagmamahal na hindi ko binalik bagkus ay aking iniwasan. Ayokong ~kilalanin at paniwalaan na mayroon akong nagagawang mga maling hakbang sa aking buhay. Mga pangaral niya na ngayon ko lang naiintindahan, ngayong wala na siya, kung iyong titingnan ano pa ang silbi nito. Sana ay nakikita niya ngayon ang aking ginawang ~pagbabago sa sarili. Gaya ng sinabi ko, kina-kailangan pang mayroong mawala na pinakamamahal mo bago ito lubusang maintindihan. Ganun yata talaga tayong mga kinatha ng ~Maykapal, hindi natin binibigyan ng pagpapahalaga ang sinumang nagmamahal ng tapat sa atin, o ang mga bagay na sa atin ay inalay at patuloy na ~kinaliligtaan tingnan at pahalagahan sa ~kasalukuyan. Huwag na sana nating hintayin pa at umabot ito sa malungkot na ~sukdulan. Kaya ngayon aking binibigyang halaga kahit ang mga maliliit na bagay upang ito’y pahalagahan at pag-ingatan at higit sa lahat ay mahalin, ayokong maulit at mahuli ang lahat para pagsisihan ito ng tuluyan sa dulo. Akin ng tinatatak ang pagkakaroon ng ~kamalayan para mabatid ang aking mga kilos, upang ~maiwasan na makasakit sa aking mga salita at gawa. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon ng ating Maylikha na maibalik ang nakaraan, sa pagkakataon iyon, inaalay at tutuparin ko ang lahat para sa aking pinaka-mamahal, subalit isang beses lang ito dadaloy at dadaan ang panahon, na hindi maaaring ibalik kapag ikaw ay nagkamali.”

“Paano niyo po naipag-patuloy ang paglipad?” tanong ni Pipito.

“Siya ang natatanging dahilan, kaya hindi ko kinaliligtaan na ipagpatuloy ang aking buhay. Alam kong hindi rin matutuwa ang nagmamahal sa akin, kung ~ilulugmok ang buhay at unti-unti ko itong papatayin dahil lang sa isang kabiguan. Hindi ko tiniklop ang aking mga pakpak para magtago at hintayin na lang ang aking kamatayan, bagkus pinilit kong lumipad ng mas matayog sa malawak na kalangitan. Kaya hindi rin magiging masaya ang kaibigan mo kung itutuloy mong ihinto ang iyong buhay.”

“Nahihirapan po ako! Parang hindi ko magagawa yon? Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang ~pangungulila ko sa kanya.”

“Pipito alam kong malalim ang sugat na ~naidulot sa’yo nito, alam ko ring matagal na panahon ang bibilangin upang ito’y tuluyang maghilom. Kailangan mo ngayon ng lakas at magpakatatag sa iyong sarili, dahil simula pa lang ito ng iba pang pagdaraanan na daluyong. Ngayon ako’y pauwi na at ikaw naman ay parating pa lang. Maraming pagsubok ka pang haharapin at hindi dapat itong takasan. Huwag kang ~magpapadaig sa takot na nararamdaman mo sa iyong sarili. Isipin mong bahagi ito ng isang ~pakikibaka natin sa buhay. Kailangan bigyan mo ng puwang at pagkakataon ang iyong sarili para magmahal at para mahalin. Hindi hawak ng sinuman ang panahon, naniniwala akong hindi pa nakasulat ang ating ~kapalaran sa ~hinaharap, tayo ang gagawa nito, tayo ang pipili ng daan ng magiging buhay natin. Huwag mo kaagad pangunahan sa iyong isip at puso ang mangyayari sa kinabukasan, wala tayong karapatan ~husgahan agad ang pangyayaring hindi pa naman nagaganap. Kailangan mong magtiwala, lumaban at lumaya sa takot na nagtatali sa’yo.” paliwanag ng Agila.

“Opo Ginoong Agila, naiintindihan ko po ang mga sinasabi niyo sa akin. Susubukan kong buksan ulit ang aking puso at kaisipan. Lalabanan ang aking pakiramdam na pumipigil na ipagpatuloy ang buhay. Laging babaunin ang aking mga natutunan sa masakit na nakaraan. Pag-uukulan ko ng panahon ang mga iba pang tapat na nagmamahal sa akin upang sila ay tuluyan ko ng mahalin. Haharapin ko ang kasalukuyan at ang darating na hinaharap, na nakabuka ang dalawang pakpak sa aking paglipad. Yayakapin at bibigyan ng pagkakataon ang sumasalubong at bumabati sa aking pag-asa.”

“Yan ang tama at matuwid. Yan rin ang ~makatarungan na dapat maganap para sa iyong sarili.” sabi ng Agila.

“Mananatili pong buhay ang kaibigan kong si Joel, hindi sa kanyang pisikal na katawan, kundi sa alaala na laging ~aalalahanin. Isisilid ko po siya sa aking puso na laging dadalhin at lubos na pag-iingatan. Magiging lakas at ~sandigan para ~akayin ako sa ~tatahaking kong bagong ~landas.”

“Halika na Pipito, tayo ng umuwi sa inyo.”

“Opo.”

Lumipad na ng tuluyan ang dalawa na pauwi sa bahay nila Pipito, sa direksiyon na kanilang nililiparan ay dahan-dahan namang lumulubog ang nagpapaalam na araw. Kasabay sa kanilang paglipad ay dala-dala nila ang pag-asang bukas ng umaga ay sisikat ulit ang hari ng liwanag, na maghahandog ng ~tanglaw upang harapin nila ang kanilang mga buhay, na mayroong pagtanggap sa nakaraan, paghihilom sa kasalukuyan at pagsisimula para sa kinabukasan.

– Kamalayang Kalayaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s