Puting bulaklak

PUTING BULAKLAK

Natuwa ako ng magawa ko ang puting bulaklak, dito ko nailabas ang mga bagay bagay na gusto kong sabihin sa isang taong napakahalaga sa akin. May nagsabi na ang sining ay isang paraan ng pagpapahayag na totoo, ngunit sa nakikita ko ay mayroon ding hindi naantig ng sining. Kahit na ito ay galing sa kailailaliman ng iyong puso at isip.

Puting bulaklak ang alay sa’yo
Nag-iisa man alam mo ang dahilan
Hangarin ko ito’y totoo
Sana ako’y paniwalaan mo

Awitin at tula na aking nalikha
Ikaw ang dahilan kung bakit nagawa
Sa puso ko at isipan
Dito ka unang nasilayan

KORO
Pinikit ko ang mata ko upang ika’Y makita
Pinikit ko ang mata ko upang ika’y makasama

Naalala mo ba ang saya nating dalawa
Kasama kasama ka ano man ang problema
Ngayon tayo ay ibang iba
Dahil ako ang may gawa

Patawarin mo na sana ako
Sinta ko, ako nama’y pagbigyan
Pinagsisisihan ko naman to
Kung hindi, maghihintay na lang sa’yo
(ulitin ang koro)

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-31 ng Agosto taong 1997
alas 3:00 ng hapon
sa loob ng aking silid

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s