Panaginip at realidad

PANAGINIP AT REALIDAD

Sa mundo ko ay humihiwalay
Dinala sa ibang pook ng paglalakbay
At ganap magpasahanggang ngayon sa isipan
Ang napuntahan at nilakaran na daan

Mga istraktura nakapaligid na hindi makalimutan
Lalo na ang maamong mukha ng isang nilalang
Para bagang may gustong iparamdam
Sa mga mata niyang nababalot ng kalungkutan

Sa dibdib ako’y mayroong naramdaman
Sa pagkikita namin ng babaeng nag-aabang
Tinig ng puso niya sa aki’y mayroong ipaaalam
Subalit mata’y hinadlangan at ibinalik sa higaan

Ang naganap ay gusto kong balikan
Pagkakataon ako nama’y hindi inayunan
At inukit na lang sa silid ng karunungan
Panaginip na tinatak na mayroong dahilan

Kamalayang Kalayaan
ika 6 ng Mayo 1997
2:30 ng tanghali
sa kuwartong 710 ng
ospital ng manila doctors

Advertisements

2 responses to “Panaginip at realidad

  1. Ano po ang ibig sabihin ng aking mga panaginip maraming falling star naka lagay sa isang parang spaceship umiilaw xa marami ang mga stars doon tapos hinabol ko at nakuha ko pagka kita ko mga stars ang liwanag nila kumikinang sila!!ano po ba ibig sabihin nun salamat po!!

  2. Aiza tingin ko “Pagdating ng Panahon” maiintindihan mo rin kung ano ang kahulugan ng iyong panaginip. Siguro meron kang kumikinang na kinabukasan, o kaya maging astronaut ka :-), di ko lam e sensiya na….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s