For President

For President
likha ni Vanjohn banawa
mapapakinggan dito sa
http://www.imeem.com/vanjohnbanawa/music/Dkw4hir7/vanjohn-vanjohn-for-president/

ako po ay kumakandidato bilang pangulo/
kung kilala mo ko,/ ako ang pinakatuso/
wala akong awa at ako’y may matigas na puso/
sa pangungurakot ako ay masipag mamuno/
masasaksihan nyo ang ating bansang inaabuso/
kaya ang pinas ay ubod/ na ng hirap at lugmok/
sa pag asenso tayo ang nasa pinakadulo/
parang binabangungot/ dahil walang kinang at hubog/
pandaraya’t pagnanakaw ang aking tinataguyod/
bibilhin ko boto ng mga kapamilya’t kapuso/
para sa balita’y maugong/ laging bida at uso/
sa aking mga kabit ako’y namimigay ng luho/
sa gera’y kahit sibilyan ay pinapasugod/
bala ang sinasalubong/ magtago sa pinakasulok/
wala akong pake kung kailangan nila ng tulong/
bahala silang maubos/ yan ang aking mga utos/

Chorus
magiging isang malaking basura tong bayan ko/
kung katulad nyo lang ako/ sana imulat nyo mata nyo/
pero sa nakikita ko ay katulad nyo lang ako/
kaya dahil sa inyo’y magiging basura tong bayan ko/

itong aking plataporma/ ay pakinggang na muna/
papatayuan ko ng rebulto si francis magalona/
bakit ang daming nakakontra/ ang galit napasobra,/
kayo’y adik lang sa droga’t/ na praning kakatoma/
teka lang, tapusin ko lang ang aking sinasabi/
ang bansa bakit pinapangit/ tapos sa ‘kin ilalapit/
magpapatayo na lang ako ng ospital na walang gamot/
tulad ng ibang mga opisyal na nag-aamok/
magpapatayo ako ng tulay na madaling masira/
para malaki ang kita/ akoy’ palaging masiba
libangan ko’y walang iba kundi kamkamin ang pera/
wala akong pake sa bansa kung madaming mahirap/
prutas, gulay, karne at isda’y magtataas ng presyo/
bababa pa ang sweldo/ ganyan ang pag asenso/
tapos makikita nyo lang akong nakatanga sa pwesto
napakagandang kwento/ at napakasaya ne’to/

Chorus
magiging isang malaking basura tong bayan ko/
kung katulad nyo lang ako/ sana imulat nyo mata nyo/
pero sa nakikita ko ay katulad nyo lang ako/
kaya dahil sa inyo’y magiging basura tong bayan ko/

magpapatayo din ako ng mga paaralan/
na walang upuan walang pader at walang hagdan/
wala ding libro at kanya kanya ang mga paraan/
sa isang silid aralan/ ang estudyante’y daan daan/
ang sasabihin ko sa sambayanan wala ka ng pondo
at walang pang abono/ sa mga tanga at bobo/
sa ating lansangan maraming nagkalat na pokpok/
kami’y pabayaang magsolo/ at aking babayaran ng oto/
pag ako natuwa aking ibabahay yan sa condo/
ibabyahe pa sa london/ at isasama sa hongkong/
pagnanalo ako sarili muna bago ang bayan/
katulad ko din ang ibang politiko salot ng bayan/
gasolina’t pamasahe ay magtataas ng presyo/
bababa pa ang sweldo/ ganyan ang pag asenso/
tapos makikita nyo lang akong nakatanga sa pwesto
napakagandang kwento/ at napakasaya ne’to/

Chorus
magiging isang malaking basura tong bayan ko/
kung katulad nyo lang ako/ sana imulat nyo mata nyo/
pero sa nakikita ko ay katulad nyo lang ako/
kaya dahil sa inyo’y magiging basura tong bayan ko/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s