Ako’y di lamang isang hantik
Kundi hari ng mga hantik
Na di lamang naghahangad
Na ipagpatuloy ang sinimulan
Tatawirin ang hagupit ng bukas
Susuungin ang init na dala ng araw
Sasagupain ang lamig ng buhos ng ulan
Upang makarating sa king pupuntahan
Tanaw ko ang kalawakang
Layo niya’y walang hanggan sa mata
Di napapatid sa puso ko’y ginugunita
Sa kandunga’y hapdi ng tapat na mapagsinta
Sakit ng alaala niyang walang hanggan
Dito sa puso ko siya ngayo’y pumipisan
Ang mapaglarong damdamin ay binabalikan
Susubukang maliwanagan ang magulong isipan
Kamalayang Kalayaan