Ibong maya

IBONG MAYA
– Habang ako’y nasa silid ako’y nakarinig ng masasayang huni na nanggagaling sa labas ng bahay, ng ito ay silipin, natanaw ko ang mga ibong maya na lumilipat lipat sa sanga ng aming puno, duon sila’y masayang naglalaro. Napansin ko na mas mapalad ang maya kaysa sa mga tao, dahil sila ay malayang nakalilipad.

Nakita ko ang ibon biglang lumipad
Dala dala’y pagkain pabalik sa kanyang pugad
Kanyang binigay sa kanyang inakay
Para ihanda pag siya ay humiwalay

Ibong maya mapalad ka
Nakalilipad kang malaya
Ibong maya ako’y turuan
Maabot ang langit na napuntahan

Pakpak niya ay kanyang iwinagayway
Subukan ilipad kanyang malay
Tuwang tuwa dating inakay
Siya malaya ng harapin ang kanyang buhay

Ibong maya sa akin ipakita
Ganda ng paligid, tanaw ng iyong mata
Ibong maya ako’y gabayan
Upang malaman ang aking daan

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-8 ng Mayo taong 1998
alas 11:30 ng gabi
sa aking silid

Habang nagtatabas ng dahon ang aking ina….kanyang natagpuan ang isang pugad ng ibon sa kanyang halaman na merong dalwang inakay. Kaya mulin naming binalik ang mga inakay sa kanyang kinalalagyan at pansamantalang nilagyan ng mga dahon ang kanilang tahanan para magkaroon ng silong. Kinabukasan sa kasamaang palad nawala ang isang inakay kaya muli kong inayos ang kanyang pugad at nasagip ko na lang ang isang inakay, mabuti na lang binabalikan pa rin siya ng kanyang ina, kahanga hanga talaga ang mga ina, nakikita ko sa aking bintana na pinapakain ng ina ang kanyang nagiisang inakay…kahanga hanga ang inang ito, dahil hindi iniwan ang kanyang nagiisang inakay.

2 responses to “Ibong maya

  1. Nice naman🙂 Naaalala ko tuloy nung mga 11 or 12 ako at naglalaro pa rin. May mga punong mangga sa side namin ng aming mga kapitbahay, palagi namin ung inaakyat ng kaibigan ko, tapos minsan nakakita ako ng pugad doon. Pugad ng maya. Tapos may mga nakita pa ako na ang liliit na mga ibon at makulay ang tuka. Ang cute nila🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s