Niloloob

Ilang buwan na rin ang nakakaraan hindi ko pa rin naririnig ang tinig niya, baka hindi ko na nga marinig, na mimiss ko na nga siya, kaya lang mas mabuti na sigurong ganito, para wala ng gulo, wala ng away. Sa bawat kilos at salita ay mayroon akong nasasaktan, gusto ko lang naman ay maging totoo sa aking tunay na nararamdaman. Masama ba yon? Siguro nga sa iba masama iyon. Hay… Dumarating sa panahong nagkakaroon ako ng pagkalito, hindi ko na nga malaman kung ano ang pagkakaiba ng tama at mali. Pakiramdam ko bawat salita at kilos lagi na lang akong mali, masasabi ko ring palpak. Siguro hindi ko nga alam ang tunay na kahulugan ng salitang pagkalinga. Tiningnan ko nga sa diksiyunaryo ay hindi ko pa rin matagpuan, baka hindi ko lang maunawaan, o mahina lang talaga akong umintindi, ang alam ko lang ito’y aking nadadama. Pero baka nga mayroon. Ano ba talaga? Sana ay makita ko na? Sana ay may magsabi sa akin. Para wala na akong nasasaktan, nasasagasaan sa aking mga kilos at salita. Gusto ko lang naman ay maipadama ang tunay na niloloob ng aking puso. Mahirap talagang maunawaan ang buhay, tama nga siguro ang sinabi ng idol kong manganganta, ang buhay raw ay kanya kanya ng labo. Pero kahit malabo gusto ko pa ring luminaw, kahit mahirap, kahit sa tingin nila ay hindi puwede. Sasalain ko pa rin siya hanggang sa maging kakulay niya na ang isang kristal. Nagiging makata na naman ako, ewan ko ba kung bakit kailangang kong sabihin pa sa pamamagitan ng isang tula ang nadarama ko, bukod sinasabihan akong corny e bulok na raw ang style ko. Itapon ko na at silaban. Baka naman nagiging totoo lang ako. Kaya? Ewan ko! Ito lang siguro ang alam kong paraan para mailabas, minsan kasi mabigat na rin dalhin, isa pa baka bumigay ako at matulad sa babaeng tauhan ng nobela ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, ako yung lalaking bersiyon. Naku! Mukhang mahirap yata yon. Ayokong maging ganun, magkukunwari ng isang pagkukunwari. Basta kailangan ko lang maintindihan ang hindi ko maintindihan, at maunawaan ang hindi ko maunawaan, Mukha yatang magkasing-kahulugan lang yon? Talagang siguro naguguluhan at nalilito na ako, kahit na ang mga salita ay hindi ko na alam ang pagkakaiba. Sabagay salita lamang yan, hindi pa rin kayang bigyan ng totoong kahulugan ang ating tunay na nadarama, walang salita na kayang higitan o tumbasan man lang ang laman ng ating mga puso.

Kamalayang Kalayaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s