TULUNGAN po natin si Mang SEVERO ORFRECIO

PLEASE LIKE and SHARE… please HELP

TULUNGAN po natin si Mang SEVERO ORFRECIO, 60 na taong gulang, MAY SAKIT NA TUMOR SA TUHOD.

Sa ngayon si Mang Severo ay natirang nag-iisa sa kaniyang barung- barong na sa kasalukuyan ay lubog pa rin sa tubig baha.

Nang humagupit ang habagat nitong Agosto, hindi na nakaalis si Mang Severo sa kaniyang tinitirahan. Sa kalakasan ng buhos ng ulan ay lumikas ang kaniyang maybahay, iniwan siyang nag-iisa. Ayon sa kaniya, mula ng umalis ang asawa ay dadalawang beses pa lamang siya nitong nadalaw.

Sa dahilang nakasentro ang pamamahagi ng “relief goods” sa mga evacuation centers, ayon kay Mang Severo, ay isang beses pa lamang siyang naaabutan ng dalawang kilong bigas mula sa pamahalaang bayan. Bukod sa minsang pagkakataon na may dalawang samahan na nagbahagi sa kanilang lugar, ay wala na diumano na relief na dumating sa kanila.

Taong 2004, habang nagbibisikleta pauwi galing sa trabaho ay nabangga ng jeep si Mang Severo. Magdadalawang taon ang makalipas, napansin niya na ito ay lumalaki at nang kaniyang ipasuri sa doktor, natuklasang nagkatumor sa tuhod na bahagi ng kaniyang kaliwang paa. Hindi na niya ito naipa-opera dahil sa kawalan ng hanap-buhay. Walang anak si Mang Severo. Wala din siyang kaanak sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan, ay umaasa lamang si Mang Severo sa bigay ng kaniyang mga kapitbahay upang malamanan ang tiyan. Hindi rin siya makapag hanap-buhay, dahil sa pisikal na kalagayan. At bago kami magkahiwalay, wika niya, siguro dito na ako mamamatay.

Para sa anuman pong tulong kay Mang Severo, maari niyo siya dalawin sa kaniyang tahanan sa Patamaba (Angono Lakeside Park), Brgy. San Vicente, Angono, Rizal. Maaari ding makipag-ugnayan sa Pamahalaang Bayan ng Angono, o sa ANGONO LIFE SAVERS (ALSI), INC. (09154525005).

A little help can make a difference – KK2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s