Gising (lyrics)



 
GISING

Minsa’y nanaginip, at aking nabatid
Iba na ang hugis ng mga bundok natin

Nahati na ang isang gilid, nagtaka at nag-isip
Sino ang dapat sisihin pagka-ubos ng bato’t buhangin

Ganun din ang ilog natin, Maraming buhay ang kinikitil
Sa paglalim, walang malay ang sinisingil

Nagkaroon ng pangamba, Sa maaring idulot na sakuna
Sa pang-aabuso ng iilang sakim na tao

Nangyari na kinakatakutan, Nilamon ng along di mapigilan
Ang mga taong tulog ang isipan

Bata man o matanda, Walang pinili ang naminsala
Hindi sila ang may sala kundi mga hari sa lupa

*Gising pala ang aking mga mata
*Gising pala ang aking mga mata

Pakinggan mo ang mga daing, ng mga taong hindi pinapansin
Ng mga ganid, sa aba’y hindi mahapis

*Gising pala ang aking mga mata
*Gising pala ang aking mga mata

Pinilit kong gumising, at panaginip ay lisanin
Ayokong maging saksi, Sa hagupit ng dambuhalang tubig

*Gising pala ang aking mga mata
*Gising pala ang aking mga mata

Panaginip ko’y hindi pala isang panaginip
Isang katotohanang hindi gawa ng aking isip

Gising na, Kabunduka’y nahahati na
Gising na, Ilog lumalalim na
Gising na, tao’y nalulunod na

Gising na, gising na 8x

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-16 ng Disyembre taong 1998
alas 2:30 ng tanghali
sa aking silid

2 responses to “Gising (lyrics)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s