Tanong?

Mayroon salita na tila kinakatakutan natin o kaya’y ayaw nating marinig sa ating dalawang tenga, pero minsan hindi naman natin ito nadidinig lang, nakikita rin natin to, ewan ko nga ba? kahit na ako ay natatakot din rito, siguro hindi ko lang ito lubusang maintindihan.

Ah! Basta! Hindi talaga natin maiiwasan ang mangyari ito, kahit anong gawin o pigil rito, darating at darating din yan, sabi nga nila, una una lang yan. kumbaga kanya kanyang panahon lang.

Ang Paglisan o Pag-alis o Pagiwan o Pamamaalam ito ang salitang binabanggit ko sa inyo. Minsan kasi tinanong ako ng nanay ng aking kaibigan, Kung handa na raw ako? Sabi ko, Saan Po? Na mamatay, hindi ako kaagad nakasagot, huminto at nag-isip at tinanong ang aking sarili. Handa na nga ba ako? Sa tanong kong iyan, halatang hindi ko alam ang sagot. Pero hindi sa hindi ko alam ang aking sagot, marahil marami lang akong gustong liwanagin sa aking sarili at sa aking paligid. Katulad kung ang pamantayan rito sa lupa ang susundin, ay mukhang hindi ako papasa, sa dami ng pinaguutos ng mga namumuno sa ating kaluluwa ay mayroon silang kani-kaniyang paraan para ka maligtas.

Nariyan ang iba na kailangan kabisado mo una at huling papel ng banal na aklat, mayroon naman dapat lagi kang kumakain ng tinapay na binibigay nila. O kaya naman lagi kang nagbibigay sa tinatawag nilang tahanan ng diyos. Nakakalito talaga ang alam ko wala namang konkretong tahanan ang ating Diyos, ang alam ko dito siya namamahay sa ating mga puso. Hindi niya kailangan ang marangyang tahanan na binalutan ng pagkukunwari sa tunay na kulay nito.

Nakalulungkot isipin marami ang naghanda para sa kanilang kaligtasan, may nagsabi hindi naman daw tayo nabuhay para lang maligtas, kundi naligtas tayo para mabuhay. Hindi siguro sapat lang ang makibisado o makinig sa nangangaral sa atin, dapat sigurong isinasapamumuhay natin ito sa ating buhay. Ang mga tao raw ay dumarating at umaalis rin, kung baga walang pumipirmi sa isang lugar lahat ay nagbabago ang itsura o ng mukha o ng kinalalagyan.

Likas sa ating lahat ang hindi nananatili, buhay man o ang mga walang buhay. Mayroon tinatawag na paghinto, maaaring hindi lahat ay hindi kayang tanggapin ito pero wala naman tayong magagawa. Dito talaga tayo inaagos ng ating buhay.

Kamalayang Kalayaan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s