Sa bawat unos ay may simula

SA BAWAT UNOS AY MAY SIMULA
(In every storm there is a start)

Sa bawat unos na humahagupit
(for every storm which lashes the skies)
Nag-iwan ng marka ng matinding galit
(it leaves a mark of great wrath)
Puno’y binuwal at ugat ay pinatid
(the trees that were downed and whose roots were cut)
Mga halaman na binunot ng hanging malupit
(the plants that were uprooted by the violent wind)

Lupa’y nilunod sa patak ng tubig
(the earth was drowned by the drop of water)
Hindi nakayanan na ito’y masipsip
(it was unable to absorb all the water)
Bulaklak na kayrikit ay iwinaglit
(the beautiful flowers have all been lost)
Kasama ang araw na hindi masilip
(together with the sun that cannot be deciphered)

Binura ang kagandahan ng paligid
(beauty was erased in the environment)
Dahan dahang naglaho ligayang bitbit
(slowly my happiness disappears)
Di mapigil ng pusong maghinagpis
(which cannot be stopped by the weeping heart)
At lumuha sa pighating sinasapit
(And cried because of the suffering I had to endure)

Namangha ng may lumitaw sa langit
(surprised because of an apparition from the skies)
Sa mukha’y sumibol ngiti na di lingid
(in the face a smile beaconed)
Bahagharing bumabati at naghahatid
(the rainbow that greeted which brought)
Pag-asang puminipintig ngayon sa dibdib
(hope that is now beating inside my chest)

– Kamalayang Kalayaan –
Disyembre 15, 2000
10:00 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s