Isang pamamaalam

ISANG PAMAMAALAM

Hatinggabi ay papalapit
Habang ang paligid ay matahimik
Hindi ko alam kung mayroon pang maiisip
Dahil hapo na ang aking isip

Oras ay kay bilis
Mata ko ay pumipikit
Parang isang batang paslit gusto ng umidlip
Ipapahinga ko na ang aking puso’t isip

Babalikan na lang ang isang maganda at mahalagang panaginip
Aanhin ang pinag-isipang Tula kung hindi Bibigkasin
Aanhin ang nalikhang Awit kung hindi Kakantahin
Aanhin ang ginuhit na Larawan kung hindi Sisilipin
Aanhin ang nasulat na maikling Kuwento kung hindi Babasahin

Kamalayang Kalayaan

Mag-iwan ng puna