01.06 Opinyon at Obserbasyon ni KK

Politika sa Pinas


 
pinipigilan ang mga tapat na naglilingkod sa bayan ng mga taong mapanglamang…:-(

 


 
Tapos na Po ang Palabas


 
05/24/2012


 

Inabangan natin ang pagupo at pagtestigo ni CJ Corona sa Impeachment Court, bagkus matagal na itong hling ng sambayanang pilipino na marinig ang kanyang paliwanag tungkol sa mga ” Dollar account” at iba pang property at mga desisyon na pumapabor kay GMA at mga negosyante. Ngayon ay dumating na, sinimulan niya sa isang opening statement, walang katapusang opening statement, na ang nilalaman ay kung paano siya inapi at binatikos ng mga walang basehang paratang (sabi niya walang basehan). Hindi ba public and official document ang galing sa AMLA, Meaning ito’y isang pampublikong dokumento me karapatan ang bawat isang filipino na ito’y ay makita dahil isa siyang public official. Sa kahaba kahaba ng kanyang sinabi ang mga taning narinig ko lang ay mga kanyang paninira sa ating Gobyerno (special mention si Pnoy), sa mga pamilya “BASA” at sa mga ibang peryodista. Tatlong oras ng walang konkretong pagpapaliwanag sa mga inaakusa sa kanya bilang mahistrado. Dumating ang hihintay ng lahat ang pagtatapos ng kanyang tatlong oras na opening statement. Laging sinasabi ng kanyang abugado isa sa dahilhan kaya ayaw humarap ng kliyente nila sa senado baka siya ay mabastos. On my own opinion CJ get a fair treatment and respect he wanted sa Impeachment Court, at pinayagan siyang magsalita ng tatlong oras sa kanyang opening statement, the presiding officer is very lenient, madalas pa siyang tanungin ng buong paggalang, “Mr. Chief Justice matatapos na po ba?” at hinayaan lang siyang magsalita ng kanyang nobela, ngunit ng mtapos maraming nagulat sa pagtayo niya at pagalis na hindi pa siya na di dishcharge ng presiding officer. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit ng presiding officer, isa itong malinaw na pambabastos. Sabi ng abugado niya nagulat raw sila sa pagalis, haaaaaaa! Sa video hindi sila mukhang nagulat, in fact kinamayan pa siya ni atty. roy bago umalis, at sumunod naman si maidas marquez. Huwag niyo naman kaming gawing tanga at stupido maaring matatalino kayo pero obvious naman na hindi kayo nagulat. Saka Chief Justice siya alam na alam niya ang rules and regulation na hindi ka pa pedeng tumayo hanggat di ka pa dinidishcharge ng punong hukom. Sabi ng isang abugado niya dahil meron raw masamang nararamdaman, di ba pede namang magsabi “mr. presiding officer masama po ang pakiramdamam ko pede po ba humingi ng break? di ba? Mahirap bang sabihin yun? Kahit ano pa ang dahilan ng mga abugado ng depensa isa pa rin itong pambabastos hindi lang sa Impeachment court kungdi sa sambayanang pilipino.

Lahat ng pinagsasabi mo ay immaterial at irrelavant, malayo sa pinaguusapan nating tunay na kaso mo.

 

********************************************


 
Ipaglalaban ka namin, Kung???

12/17/2011



 

********************************************


 
Lt. Col Pacman!!! Present Sir!!!🙂

12/06/2011


 

I received a txt from a person name Dante……

I was very much shocked to see on the news today that “Pacman” is now Lt. Col. He is not even qualified to be a sgt. Whoever iniated this is “VERY STUPID”. Its a direct insult to the honor and integrity of the officers of the AFP.

Well himayin nga natin. Bakit ganun na lang ba ang binibigay nating atensiyon kay Pacman? Hmmmmmmmmmmmm, di naman lingid sa ating lahat na siya ay nagbigay ng malaking parangal sa ating bayan, siya nga tinatawag pambansang kamao, ang pound for pound king… ooooops….. siya pa rin ba? he he he, anyway sa aking opinyon siguro mas dapat bigyan natin ng parangal ang mga sundalong totoong nakikikipaglaban sa bayan at nagbubuwis ng buhay, sila dapat ang bigyan natin ng atensiyon at parangal, bigyan ng atensiyon ang kanilang mga suweldo, atensiyon sa kanilang benepisyo, kesa buhos natin lahat ng atensiyon natin kay Manny. Sensiya Manny ha pero siguro marami pang dapat mabigyan ng atensiyon kesa sayo. – KK

 

********************************************


 
Bakit di siya dapat makaalis?

11/18/2011


 

‎1. NBN ZTE Scandal
2. Millions of bribe money to Congressmen and Governors (October 2007)
3. Cheating in 2004 Elections (Hello Garci)
4. Joc Joc Bolante Case (Fertilizer Scam, P728 Million)
5. Jose Pidal Bank Account (Unexplained Wealth, P200 Million)
6. Nani Perez Power Plant Deal ($2 Million)
7. Use of Road User’s Tax for Campaigning
8. Billion Peso Macapagal Boulevard (Overprice of P532 Million)
9. Juetengate? (Illegal Numbers game kickbacks)
10. Extra Judicial Killings
11. Arroyo Moneys in Germany (Exposed by Senator Cayetano)
12. General Garcia and Other Military Men
13. Billion Peso Poll Automation contract to(Mega Pacific) (P1.3 Billion)
14. Northrail Project($503 Million)
15. Maguindanao Results of 2007 Elections (Zubiri, Bedol)
16. NAIA-3
17. Venable Contract (Norberto Gonzales)
18. Swine Scam (Exposed by? Atty. Harry Roque
19. GLORIA Arroyo son hidden assets in united states
20.EURO GENERAL’S
21.CALAMITY FUND SCANDAL.
22.the C-5 road controversy — Senator Manuel Villar
23.P550-million worth of funds from the Overseas Workers’ Welfare
Administration (OWWA).
24 P780-million LWUA funds-Prospero Pichay
25 Bishop’s SUV-Gloria Birthday gift
26 Arroyo linked in P325M lotto intelligence fund
27 Arroyo got P200M in kickbacks from govt projects-Zaldy Ampatuan
28.P200.41 billion or $4.6 billion in Malampaya royalties from 2002 to
May this year.
29.LACSON ACCUSED FG MIKE ARROYO OF SELLING 3 REFURBISHED HELICOPTERS
TO PNP AT P105 MILLION EACH
30. 600, 000 metric tons of Rotten rice imported from India.Kishore
Hemlani, an Indian trader allegedly close to Arroyo, reportedly bagged
the P9.5 billion contract for the rice importation.
31.Dato Arroyo wife bought the condo unit for $570, 000,
70-square-meter one-bedroom, one-bathroom unit (Unit No. 533) at the
luxury high-rise, full-service Gramercy Towers located at 1177
California St. in upscale downtown San Francisco.
31.- P50-million bribe to FG for the president’s veto of two franchise bills
70-square-meter one-bedroom, one-bathroom unit (Unit No. 533) at the
luxury high-rise, full-service Gramercy Towers located at 1177
California St. in upscale downtown San Francisco.
31.- P50-million bribe to FG for the president’s veto of two franchise bills
32.The additional funding led to a 41-percent spike in advertising
expenses, from P76.129 million in 2008 to P107.420 million in 2009,
which went mostly to ads for Arroyo’s achievements.
33.The report said the PIA received from the Department of Budget and
Management a notice of cash allocations amounting to P344.789 million,
even though only P222.488 million was appropriated for it under the
national budget.
34.- Denial of pork barrel funds to Malacanang’s political enemies
35.- Praises for Jovito Palparan, alleged mastermind of extra judicial
killings of militants
36.- Removal of govt bodyguards for former pres and Arroyo critic, Cory Aquino
37.- Appointment of manicurist as a member of the board of Pag-Ibig
38.- Appointment of gardener as deputy of the Luneta Park Administration.
39.- Midnight appointment of an Arroyo, RENATO CORONA, as SC Chief Justice
– 200+ other illegal midnight appointments

 

Mano po Ninong!

06/28/2011


 


 
Ang Ninong ay nagsisilbing pangalawang magulang at gumagabay sa kanyang mga inaanak, pero merong isang klaseng ninong na madalas rin nating marinig sa ating ginagalawang lipunan. Tulad ng “bossing pasensiya na ha, ninong ko si Mayor e” o kaya Ninong ko si kapitan, o si kagawad o si general o si tongressman o si manager etc etc etc. Ang paggamit ng ating impluwensiya o kapangyarihan ay talamak na talamak sa ating lipunan, tulad ng politika plus negosyo equals ay kita, kita ng iilan, kaya nga tuwing sasapit ang eleksiyon kabila kabila ang pagsuporta ng mga negosyante sa mga politiko k tongressman, k vice president, k presidente, k senator etc etc etc bakit? Isa lang naman ang dahilan maprotektahan ang kanilang mga interes.Hay….. Paano nga ba talaga magiging maayos ang buhay ng mga manggagawa o maliliit na tao kung mismong dapat na magaayos sa kaniya ay wala sa interes niya. Sasabihin niya “it is in the law”, tama lang yung sinasahod niya o tinatanggap niyang benepisyo dahil yun ang sinasaad ng batas, di ba mas tamang tanong nakakasapat ba kanila ang tinakda ng batas? e kaya lang yun nga ang problema e, sila ang gumagawa ng batas, nasa interes nila ang batas at wala sa nakakaraming mga maliliit na tao. Saka sasabihin lang nila sa akin wala akong alam sa ekonomiya at merkado, dahil sila ang matatalino na nagaral sa mahuhusay na eskuwelahan na kung saan naroon ang lahat ng katalinuhan. Nagtataka nga ako e laging argumento ng mga matatalinong abugado nila “its legal”, dumaan kami sa proseso. E sa pinas hindi naman po lahat ng legal o dumaan sa proseso ay mabuti at tama, maaring mabuti sa iilan, pero kung susumahin wala sa interes ng nakakarami ito. Haaaaaaaaaay😦

 

********************************************


 

“In the Service of the Filipino”? at “Serbisyong Totoo”?

06/16/2011


 


 
“In the Service of the Filipino”? at “Serbisyong Totoo”? ito ang laging sinasabi nila sa atin, araw araw mong naririnig at minsan kinakausap ko na ang TV at sabing “alam ko na yan”! Pero medyo naguluhan lang ako nang umalma sila sa inilabas na regulasyon ng SC tungkol sa pagpapahintulot na maipalabas at mapakinggan ang trial ng Maguindanao Massacre, di lingid sa atin ang karumal dumal na pagpatay sa ordinaryong tao, politiko at mamamahayag. Kumukolo sa galit ang ating mga puso, di mo akalain na maari itong maganap dahil lang sa pinanghahawakan nilang kapangyarihan na ayaw nilang bitiwan. Halos lahat ng media organization ang hindi sumasangayon sa ganitong panuntunan bagkus naghain sila ng petisyon, humihiling ang pinalabas na desisyon ay mabago pa. Sa aking opinyon hindi ba magandang oportunidad ito sa atin na mapakinggan ang mga pangyayari o kaganapan na nanggaling sa mga testigo at akusado ng tuloy tuloy, naiintindihan ko rin hindi ito dapat putulin bagkus dapat ay tuloy tuloy no commercial break, upang ganap nating matimbang ang bawat panig at ang tinatakbo ng kaso. Sangayon din ako na hindi na dapat magbigay ng sariling kumento ang mga reporter kadalasan nabibigyan niya ito ng ibang interpretasyon o kaya gagawin niya itong “sensationalize”. Sabi ng isang sikat na “radio commentator” paano na ang mga patalastas, hmmm sabagay mawawalan sila ng kita dahil dito nabubuhay ang media sa mga advertising, pero hindi ba puwede pakiusapan ang mga me ari ng TV at radyo na magsakripisyo muna tayo panandalian, dahil mahalaga ito sa mga filipino, mahalagang mapakinggan natin ito, mahalaga rin para malaman natin kung talagang me hustisya bang magaganap, hindi ba karamihan sa napatay dun e kasamahan niyo sa trabaho? Mga Journalist na sabi niyo e “In the Service of the Filipino” kaPamilya niyo ang mga biktima rito at “Serbisyong Totoo” kung totoong na kaPuso kayo, Puso dapat ang pairalin hindi muna ang mga bulsa natin.:-(

 

– KK 2011

 

Edsa Shrine simbolo ng kalayaan?

06/11/2011


 


 
Habang nanonood ako ng TV, doku ni howie saverino sa channel 11, ang topic niya ay biyaheng edsa, tinatalakay kung ano ba ang naging pagbabago after 1986, habang nadaan niya ang “edsa shrine” and ininterbiyu niya ang isang babaeng muslim, na naging bahagi ng pagpapatalsik sa diktadura upang magkaroon ng kalayaan, pero hinahanap niya kung nasaan sila sa metal sculpture, mukhang nakalimutan yata sila, napaisip ako dun ha, oo nga no, hindi lang naman lahat ay katoliko ang sumama sa edsa revolution, sa opinyon at obserbasyon hindi yata tumutugma ang edsa shrine na meron malaking imahe na sumisimbolo sa ating kalayaan, mukhang unfair yata yun sa ating ibang kababayan na meron kanya kanyang paniniwala, sana hindi na natin ito nilagyan ng ganitong imahe o kaya nilagay din natin yung kanilang simbolo.🙂

 
********************************************


 
Business + Greed = FISH KILL

06/08/2011


 


 
Ang labis na pagaabuso natin sa ating kalawaan, ang paglalagay ng mga bakod sa ating mga lawa ay nagbunga ng malawakang pagkamatay ng mga isda, maaring hindi nila aaminin na itoy hindi natural cause kung hindi isang man made cause. Ang sobrang sobrang paglagay ng mga isda isa isang fishcage, ang sobra sobrang pagpapakain ng mga feeds, mga feeds na nakakasama sa ating mga tubig na pumapatay sa natural na organismo sa ating kalawaan. Ang kasakiman ng nga negosyante na nagmamayaari ng mga fish cages sa ibat ibang lugar sa pilipinas ay isa sa mga unti unting papatay sa ating mga kalawaan.

nakakalungkot, ang lawa dapat ay para sa lahat, at hindi dapat bakuran ng iilan – KK2011

 

********************************************


 
“Iniinsulto ka Pinoy”

06/08/2011


 


 
Ilang beses na ba nating nabalitaan ang pang iinsulto sa ating mga kalahi ng mga dayuhan, madalas mga artista sa hollywood or sa europa, talagang galit na galit tayo sa mga ganitong pangyayari na niyuyurakan ang ating pagkatao, parang gusto nating mga filipino na magsimula ng world war III sa galit. hmmmm habang nanood ako ng TV, madalas ang eksenang pangiinsulto ng isang host sa mga contestant, binabasag ang pagkatao, ang itsura, ang pagsasalita at ang pagmumukha nito sa ngalan ng pagpapatawa. Isa na rito si Vice, ang stilo ng kanyang pagpapatawa ay pagyurak sa ibang tao, sabagay niyuyurak din niya ang sarili niya sa pagsabing mukha siyang kabayo. Nakakalungkot isipin nandito pa rin tayo sa level ng ganitong pagpapatawa ang pang iinsulto sa ibang tao o sarili. Di kaya napapanahon na umangat naman ang ating level sa larangan ng pagpapatawa? Galit na galit tayo pag iniinsulto ang ating kalahi pero pag kalahi mo ang nangiinsulto, ok lang yun? –😦 KK2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s