Nasaan ba?

NASAAN NA BA?

Narito ang lupang tigang
Nag-aabang sa patak ng ulan
Tulad ng bulaklak sa parang
Hinihintay na siya ay hagkan

Ang paglubog ng haring araw
Naghahangad na ito’y matingnan
Ang bituin sa kalangitan
Umaasang mangingitian

KORO
Nasan na ba ang pangako mo?
Na binulong sa puso ko
Nasan na ba ang pangako mo?
Na tunay at totoo
Nag-aabang, naghahangad
Naghihintay, umaasa
sa pangako mo sa pangako mo 2x

Ang punong hitik sa bunga
Wala na bang sa kanya’y kukuha
Panahon ay naiinip na
Napaparam itong pag-asa

KORO
Nasan na ba ang pangako mo?
Na binulong sa puso ko
Nasan na ba ang pangako mo?
Na tunay at totoo
Nag-aabang, naghahangad
Naghihintay, umaasa
sa pangako mo sa pangako mo 2x

Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-15 ng Abril taong 1999
alas 9:30 ng gabi
sa aking silid

Mag-iwan ng puna