Di Lang Siya Nagtatapos…………..

Ang pakikibaka o pakikipaglaban ay Di Lang Siya Nagtatapos sa FB o sa loob lang ng internet….. bagkus ang pakikipaglaban ay maaring ipagpatuloy sa ginagalawang kong lipunan….kung saan ito ang aking pinagmulan…

Hinubog na ako ng panahon… upang labanan ang anumang daluyong, pagsubok o kabiguan… pisikal na sakit o hindi man ay akin ng napagdaanan… katatagan ang bunga ng lahat ng kapighatian… ang sakit ng sugat ay maghihilom rin… ngunit magiiwan ng balat na magpapaalala ng hapdi… ng dating sugat dulot ng isang pighati….

BAKIT?

Bakit laging, tayo’y naghihintay
Bakit laging, sa huli kumakaway
Bakit nga ba, minsan lang tumawa
Bakit pinipigilan, na ika’y lumigaya

Bakit pagnadapa, ayaw magsimula
Bakit kung naliligaw, pag-asa’y nawawala
Bakit sa lupa, ay di na bumababa
Bakit sa Maylikha, hindi na mapakumbaba

KORO
Hindi ko maintindihan
Tayong mga nilalang
Panaho’y pinapalipas
Kasalukuyan pinalalampas

Bakit kung wala na, saka hahanapin pa
Bakit nung kasama, iyong binalewala
Bakit ipadadama, kung hindi na makadama
Bakit di ginawa, nung mayroong pang hininga

Hindi ko maintindihan
Oras na iyong sinayang
Nakaraa’y di mababalikan
Kahit ito’y iyong pagsisihan

**********

Aanhin ang pinag-isipang Tula kung hindi Bibigkasin

Aanhin ang nalikhang Awit kung hindi Kakantahin

Aanhin ang ginuhit na Larawan kung hindi Sisilipin

Aanhin ang nasulat na maikling Kwento kung hindi Babasahin

wag kalimutang magbahagi

“SHARE LANG NG SHARE”

Kamalayang Kalayaan 2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s