Bahay
Gary Granada
Isang araw ako’y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo’y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
Sa init ng tabla’t karton sila doo’y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay
Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito
Lahat sila’y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay
Maghapo’t magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka’y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay
Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n’yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay
Ang mga mahihirap at walang makain ang maraming mag-anak. Papaanong hindi maghihirap ang mga karamihang mamamayan? Ang mga isip ay ngawit sa kahirapan. Walang turong nakukuha sa kanilang mga napapanood sa television, maski na sa simbahan, na ang mga dalangin ay paulit-ulit at ginagaya lamang ang mga nakasulat at sinasabi ng mga pari. Sabi ng Panginoon, sambahin siya sa pamamagitan ng espirito at katotohanan. Ang espirito ay hindi nakikita ng mata ng tao, ito ay nadadama sa puso at nasa pagiisip. Hangga’t ang mga Pilipino ay nananatiling sumasamba sa mga nakikita ng mata at kung dumalangin ay mga paulit-ulit na panatiko…walang karunungang magmumula sa Panginoon. At pag ang mga pag–sip ay manhid at tulog, patuloy na sila ay mag-aanak na parang mga ipis at mamamahay sa mga barung-barong.