Langgam
Lakad! Lakad! Lakad!
Isang hanay sila’y maglakad
Uwi uwi ay pagkain para iimbak
Sa pagdating ng kalamidad
Sama sama silang gumagawa
Para sa kabutihan ng kasama
Di tulad natin kanya kanya
Nilalamangan ang kaaba aba
Sa kasipagan ibang klase talaga
Araw o gabi’y walang pinagpipilian
Di tulad natin naghihintay na lang
Lumalaban kung sila’y natatapakan
Kahit gaano kalaki ang kalaban, nagtutulungan
Di tulad natin walang malasakit sa kapwa
Maliit man sila’y dapat kaingitan
Nagbibigayan ang nakuha ay pinaghahatian
Di tulad natin ang nakikinabang ay iilan lang
Nakakahiyang isipin
Pero kailangan harapin
Nakahihigit ang langgam sa atin
