TIGILAN NA
Tigilan na ang awayan
Tigilan na ang siraan
Kapit kamay
Para sa kinabukasan
Nakikita mo ba kaibigan
Nangyayari sa ating bayan
Nalulugmok na tayo sa kahirapan
Patuloy tayong nahihirapan
Anong ginagawa mo kababayan ko
Bahagi ka ng lipunang ito
Huwag kang magbulag bulagan
Ikaw ang may pananagutan
KORO
Tigilan na ang awayan
Tigilan na ang siraan
Kapit kamay
Para sa kinabukasan
Tigilan na ang lamangan
Tigilan na ang kasakiman
Tayo’y magtulungan
Para sa mga kabataan
Buksan na ang kamalayan
Puso mo’y pakawalan
Pagbabago’y matagal ng nariyan
Sa atin siya’y nagaabang
Mahirap man o mayaman
Kailangan na itong simulan
KORO
Tigilan na ang awayan
Tigilan na ang siraan
Hawak kamay
Para sa kapayapaan
Tigilan na ang lamangan
Tigilan na ang kasakiman
Tayo’y magkaisa
Sa kaunlaran ng Inang bayan
Tigilan na ang awayan
Tigilan na ang siraan
Pakinggan na tinig ng kabataan
himig at lyrika ni
Kamalayang Kalayaan