SUMUBOK
Sumubok na tayo ng matalino
Sumubok na tayo ng mahina ang ulo
Bakit ganun mahirap pa rin si Tonyo
Sumubok na tayo ng maka Diyos
Sumubok na tayo ng maka tao
Si Hulia ay ginagabi pa rin sa quezon avenue
KORO
Kailan kaya matatanaw
Hinahangad kong kaginhawaan
Kailan kaya maririnig
Daing ng tiyang sumasakit
Sumubok na tayo ng maka masa
Sumubok na tayo ng maka bayan
Tayo narito wala pa ring tahanan na uuwian
Kamalayang Kalayaan
MAYO 2, 2001
5:29 NG HAPON
sa aking silid