SA BAWAT PUSO NG TAO
Likas sa’yo ang tumulong
Sino man, kanino man
Buhay hindi isinaalang-alang
Upang sagipin ang nangangailangan
Iyong malinis na layunin
At tapat na damdamin
Ginawad mo sa sariling lipi
Ang iyong wagas na pag-ibig
KORO
Bayaning Pilipino
Kalahing kinararangal ko
Bayaning Pilipino
Taglay mo dugong makatao
Bayaning Pilipino
Narito ka sa bawat puso ng tao
KORO 2:
Bayaning Pilipino
Kalahing kinararangal ko
Bayaning Pilipino
Sandigan ka ng bagong katutubo
Bayaning Pilipino
Narito ka sa bawat puso ng tao
Narito ka sa bawat isang pilipino
titik at himig ni
Kamalayang Kalayaan
Mayo 26, 2000
5:00 ng hapon
rm 1110
manila doctors