PAGBUBUKLOD
Sa iyong pagdating sa aking buhay
Daigdig ko ay nag-iba na ang kulay
Ikaw ang pinapangarap at tanging bigay
Ng Diyos na laging magiging gabay
KORO
Pagbubuklod ng puso ko at puso mo
Pagiisahin itong ating mundo
Mangangako na ikaw at ako
Hanggang sa kabilang dulo
Ikaw na nga ang aking hinihintay
Makakatuwang sa ligaya’t kasawian
Sasamahan tayo ng kinabukasan
Upang malagpasan anumang di maunawaan
KORO
Pagbubuklod ng puso ko at puso mo
Pagi isahin itong ating mundo
Mangangako na ikaw at ako
Hanggang sa kabilang dulo
Aking pagkukulang
sana ay punan
Kung ikaw ay nahihirapan
Lagi kang tutulungan
KORO
Pagbubuklod ng puso ko at puso mo
Pagi isahin itong ating mundo
Mangangako na ikaw at ako
Hanggang sa kabilang dulo
Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-8 ng Marso taong 1999
alas 10:00 ng gabi
sa aking silid