LIBAG NG LIPUNAN
Sari saring dumi
Ang inyong mapapansin
Sa paligid ligid natin
Papel at mga plastik
Alikabok na kumakapit
Usok ng mga jeep
Basurang walang takip
Ngunit mayroong
kakaibang mga dumi
Dala dalang sakit
Tila nmpakalupit
KORO
Sila’y libag ng lipunan
Na dapat nang hugasan
Para lahat makinabang
At hindi ang iilan
Sila’y libag ng lipunan
Pangaapi’y sukdulan
Dapat ng lumaban
Sa paglaya ng bayan
Mga pulitiko
Sa kaban ng bayan
Dito kinukuha ang yaman
Opisyal ng gobyerno
Tungkuli’y inaabuso
Laging inaagrabiyado si pedro
Mga naghaharing uri
Elitista, kapitalismo
Abang manggagawa laging
pinayuyuko
KORO
Sila’y libag ng lipunan
Na dapat nang hugasan
Para lahat makinabang
At hindi ang iilan
Sila’y libag ng lipunan
Pangaapi’y sukdulan
Dapat ng lumaban
Sa paglaya ng bayan
Sila’y libag ng lipunan
Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-3 ng Pebrero taong 1999
alas 9:24 ng gabi
sa aking silid