KATABI
- Minsan nakita at naramdaman ko sa aking katabi na mayroong siyang mabigat na suliranin. Dati’y sa akin niya nilalabas pero nagkaroon ng malaking pagbabago sa amin hindi niya na ito sinasabi. Ito’y ay aking ikinalungkot sa dahilang ang pakikinig na lang sa kanya ang magagawa ay nawala pa, ang pakiramdam ko ay isa na akong taong nawalan nang tenga, mata, bibig, kamay at paa, ang natira lang sa akin ang aking isip at pakiramdam, na walang magagawa at parang isang buhay na patay. Kahit na hindi direkta niyang sinabi sa akin ang kanyang suliranin, mababakas sa tinig at mukha niya, madali ko itong nakita at nadama. Kaya pag-kauwi ko ay sinulat ko itong awit na pinamagatang kong KATABI. Binuhusan ko ito ng panahon para ihandog sa kanya, kaya inabot din ng halos isang linggo bago ko ito naayos at natapos. Nalikha ito dahil gusto ko sanang maramdaman niya na ganon siya kahalaga, nandito lang ako at katabi niya.
Lungkot ang nadarama
Nakita sa iyong mata
Kay bigat ng dinadala
Mula ng iyong pagkabata pa
Isip mo’y nalilito
Sa paligid na magulo
Pag-asa mo’y lumalabo
Nililipad parang abo
KORO
Sasamahan kita sa iyong pag-iisa
Dadamayan kita sa iyong pangungulila
Makakaasa ka na ako’y iyong kasama
Anino ng nakaraan
Ikaw ay sinusundan
Tutulungan kita
Iyong landas ay makita
Hindi ko man dama
Ang iyong nadarama
Uunawain ka
Pangako aking sinta
KORO
Puso mo’y buksan ika’y pakikinggan
Puso ko’y tingan pag-ibig ang laman
Alay ko sa’yo makakasama mo
Sasamahan kita sa iyong pag-iisa
Dadamayan kita sa iyong pangungulila
Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-27 ng Mayo taong 1998
alas 2:00 ng gabi
sa aking silid