Imortal Kong Sinta
Kahapon lamang tinig mo’y musika
Sa aking tenga lumilikha siya ng kanta
Kahapon lamang mukha mo”y pinipinta
Sa aking alaala ginuhit na isang obra
Tila walang hadlang, tila walang hangganan
Nalimot ko na may bukas nasa akin ay daraan
Kahapon lamang, Kahapong lamang
Kahapon lamang, kasa kasama ka pa
Itong pagibig ko sa’yo, inalay ang aking mundo
Tapat at totoo, magdugo man ang aking puso
Kay hapdi ng nadarama, na ikaw ay lumisan na
Sa aking kandungan, iiwan akong luhaan
Tila walang hadlang, tila walang hangganan
Nalimot ko na may bukas nasa akin ay daraan
Kahapon lamang, Kahapong lamang
Kahapon lamang, kasa kasama ka pa
Kahapon lamang, kasa kasama ka pa
Imortal kong sinta
Kamalayang Kalayaan
Feb 13, 2011