BAKIT GANUON? BAKIT GANYAN
Bakit ganuon? Bakit ganyan?
Laging sila, laging kayo
Ako’y katulad niyo
Isa rin ba ako sa inyo?
Tulad niyo ring may talino, tulad niyo ring may puso
Umiibig, nabibigo, lumuluha’t, humihinto
Pag-asa’y punong puno
Ngunit narito ako na isang bigo
Kapalaran ba’y ganyan talaga
Kay lupit at kay sakit
Tadhana ba ito ang guhit
Sa tulad kong maliliit
Pantay pantay lamang nuong tayo’y isilang
Sa paningin ng Amang makatuwiran makatarungan
Sa mga taong nilalamangan
Gisingin natin ang kamalayan
Kapalaran natin tayo ang lilikha
Hindi ang iilan ang gagawa
Tadhana tayo’y magpipinta
Ng mundong hindi mapagsamantala
Letra at Himig ni:
Kamalayang Kalayaan
ika-15 ng Abril 27 taong 2000
ala 5:48 ng hapon
sa aking silid