Usapang Botante…………..
Babae: may presidentiable ka na sa May?
Lalake: mukhang meron na, pero pinagiispan ko pa. ikaw?
Babae: Umaangat siya pero syempre malayo pa ang petsa ng halalan
Lalake: Talaga, gagamitin ko na lang konsensiya ko sa pagpili..yung bang masisikmura ko he he he
Babae: Siya lang papasa sa laser test ko e, not unless may hindi ako alam sa kanya
Lalake: Laser test?
L-lifestyle
A-action
S-supporters
E-election conduct
R-reputation
Lalake: Ah yun pala yun… Yung kaibigan natin maraming alam sa kanya
Babae: Tanging ayaw ko lang naman nung una sa kanya ay ang pagiisip na baka “masayang boto ko” dahil “di siya winnable”
but it sounds preposterous kung ang bukambibig ko naman ay tumindig sa alam mong tama iregardless of approval of society di ba.
Lalake: naiisip ko rin yan before..pero mas masasayang naman boto ko kung mapupunta lang sa bulok at bugok ng lipunan, gaya ng mga nakaupo.
Babae: Siya din ba nasa utak mo?
Lalake: he he he, yun nga
Babae: Gusto ko nga tumulong sa kampanya niya e, nabuo lang to sa utak ko nung, nakita ko siya sa isang pagtitipon.
Lalake: talaga…
Babae: Hindi ako nakadalo ng event nya dun
Lalake: Di siya traditional
Babae: ung bago ang event kasi may event din dun nung umaga. Tapos parang nagpprepare sila ng event nila dun
na gaganapin pa ata ng kinagabihan
Lalake: nilapitan mo?
Babae: hindi ko nga nalapitan kasi nagmamadali ako nagattendance lang ako dun sa event namin at di ko din tinapos, mayroon kasi akong kasamang banyagang kaibigan na papunta sa intramuros, so hinahabol ko ung time, along the way papalabas ng lugar, natanaw ko si presidentiable. Tapos naishare ko sya dun sa kaibigang kong banyaga. Dahil pa nga dun sa kaibigan kong banyaga ko ako nakumbinsing kung ganun ang description ko sa mga kandidato e di siya na lang dapat kong iboto dahil manalo o matalo hindi sayang ang botong inilagak mo sa prinsipyot konsensya mo.
Lalake: Basta ako… Kunsensiya ko na lang gagamitin ko ..gaya ng sinabi ko kanina yung masisikmura ko..manalo matalo…
Kayo sino boboto niyo?:-)