Ako ba si Rizal? Naghahangad ng isang mapayapang Kalayaan para sa inaasam asam na pagbabago, kalayaan na makapagaral ang nakakarami, kalayaang magkaroon na pagkakapantay pantay, magkaroon pagkain ang lahat sa hapag kainan

O Kaya
Ako ba si Bonifacio? Sa isang rebolusyon tayo lalaya para sa tunay na Pagbabago. Tabak at tapang ang bitbit sa puso ko, alang alang sa bayan kong nalulugmok, ipagtatanggol ang naaapi sa mga naghaharing uri, handang ialay ang buhay para sa inang bayan

Kelan ba natin talaga matatamo ang tunay na kalayaan? Kalayaan sa kahirapan, kalayaan sa kasakiman
Nasaan ang kalayaan? Kung ang tiyan ay walang laman, Nasaan ang Kalayaan? Kung wala kang katarungan, Nasaan ang kalayaan? Aking kababayan
Isang daang taon ang nakalilipas, Marami pa rin ang naghihirap
Nasaan ang kalayaan?

Like this:
Be the first to like this page.
ayaw mong maging si WILLIE REVILLAME?
bayani daw sya ng mga mahihirap
pass muna ako k willie…alam naman nating yung mga mahihirap din ang nagpapayaman sa kanya e…:-)